Advertisers
NAKAPAGTALA pa ang Department of Health (DOH) ng 1,524 bagong kaso ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa bansa, hanggang 4PM nitong Martes, Oktubre 27.
Batay sa case bulletin na inisyu ng DOH, sa kabuuan 373,144 na ang naitatalang COVID-19 cases sa Pilipinas.
Pinakamaraming naitalang bagong kaso ng sakit sa Negros Occidental na nasa 115, Cavite na nasa 76, Benguet na nasa 72, Quezon City na nasa 67 at Laguna na nasa 65.
Nabatid na mayroon ding 353 karagdagan pang gumaling na pasyente at 14 ang namatay.
Sa kabuuang bilang ng mga naitalang kaso sa bansa, 10.0% (37,489) ang aktibong kaso, 88.1% (328,602) na ang gumaling, at 1.89% (7,053) ang namatay.
Sa mga aktibong kaso naman, 93.8% ang mild at asymptomatic, 4% ang kritikal at 2.2% ang severe.
Mayroon din namang 10 duplicates ang tinanggal mula sa total case count, kabilang dito ang apat na recovered cases.
Mayroon ding limang kaso na unang iniulat na nakarekober ngunit malaunan ay binawian na pala ng buhay.
Mayroon din namang 15 laboratoryo pa ang hindi nakapagsumite ng datos sa COVID-19 Data Repository System (CDRS) ng DOH hanggang nitong Oktubre 26, 2020. (Andi Garcia/Jocelyn Domenden)