Advertisers
Ni JOVI LLOZA
MARAMING fans nina Bea Alonzo at John Lloyd Cruz ang natuwa sa balik-tambalan ng dalawa sa pelikula na ginagawa na raw ang iskrip.
Pero dahil sa pandemya sa pagdating ng Covid-19 ayun at naunsyami ang reunion film sana nina Bea at John Lloyd.
Kahit nga si Bea ay umamin na ayaw muna nitong mag-work habang may pandemya pa habang si Lloydie naman ay hindi pa rin available.
Mismong ang nagdirek na si Cathy Garcia-Molina ay may panghihinayang din na hindi pa matutuloy ang movie nina Bea at John Lloyd dahil sa mga conflict.
Hindi rin daw carry ni Direk Cathy na nagdidirek ito na may social distancing dahil baka hindi umano magkaintindihan.
Kaya ayon kay Direk Cathy, huwag na raw ipilit ang reunion movie ng dalawa.
Pero asa pa rin ang netizens na matuloy ang pagsasama muli nina Bea at John Lloyd sa project.
***
Marian Rivera pinabilib si Dingdong sa naging desisyon
NASA kainitan pa ang karera ni Marian Rivera na sa kabila na mudra na siya ng dalawang tsikiting nila ni Dingdong Dantes na sina Zia at Ziggy ay may tawag pa rin dito na mga project.
Mas inuna ni Marian na matutukan ang dalawang anak at pamilya kaysa career dahilan para umatras ito sa First Yaya.
Kahit si Gabby Concepcion na magiging leading man sana nito, for sure ay nanghihinayang sa naging desisyon ni Marian na pag-atras.
Tunay naman na malaking pera ang pinakawalan ni Marian para sa First Yaya, pero hindi raw matutumbasan ng salapi ang pagsakripisyo ni Marian sa pag-aaruga nito sa pamilya.
Sa naging desisyon naman ni Marian na pag atras sa project para matutukan ang dalawang anak ay mas lalo naman bumilib ang mister nito at hinangaan si Marian.
Kaya lalong nadagdagan ang paghanga at pagmamahal ni Dingdong sa kanyang maybahay na si Marian na pumokus muna sa kanila kaysa career.
Well, well, well… ‘Yun na!