Advertisers

Advertisers

Banka lumubog sa Cebu: 10 na-rescue

0 191

Advertisers

NAILIGTAS makaraan ng walong oras ang sampung indibidwal na nagpalutang-lutang sakay ng motorbanca sa dagat ng Barangay Marigindon, Lapu-lapu Citymatapos hampasin ng malalaking alon ang kanilang sasakyang-dagat.
Una rito, nagkaroon ang grupo ng island hopping nitong Linggo ng umaga, ngunit pagbalik nila 4:00 ng hapon ay nahirapan nang dumaong ang banca sa wharf ng Marigondon dahil sa lakas ng ulan at malalaking alon.
Halos hatinggabi na nang malaman ng Lapu-Lapu City Disaster Risk Reduction and Management Office ang na-stranded na grupo kaya nakipagtulungan ang mga ito sa Philippine Coast Guard.
Nailigtas ang mga ito makalipas ang hatinggabi at nakauwi sa kanilang mga bahay 2:00 na ng madaling araw ng Lunes.