Advertisers
Ni GERRY OCAMPO
SA isang contest may nananalo at natatalo pero kadalasan, ang mga natatalo ay madalas nagiging bitter at nag-iisip na nagkaroon ng dayaan.
Tulad ng aming inaasahan, may intriga nga agad sa katatapos na Miss Universe Philippines 2020. Pagkatapos ng coronation night at ihayag ang nanalo at runner-up ay may kasunod itong presscon pero napansin ng netizens na wala si Michelle Gumabao na sumali uli sa beauty contest at naging 2nd runner-up.
Ang siste pa ay may maintrigang pahayag ang naging representative ng Taguig na si Sandra Lemonon na nag-post ng, “Get ready loves, tomorrow (last Sunday) I will be announcing big news, it`s time to be honest and speak facts. The truth always comes out, it’s just about timing Karma is real soon. Because we deserve justice.”
Payo tuloy ng netizens kay Sandra na dapat tanggapin ang pagkatalo at huwag nang maging bitter. Makikita naman daw sa performance niya na hindi siya karapat-dapat mapasama sa Top 5. May nagpayo rin kay Sandra na huwag na siyang umarte dahil hindi siya talaga mananalo.
May nakapansin din na in-follow agad nina Michelle at Sandra ang tinanghal na Miss Universe Philippines 2020 winner na si Rabiya Mateo pagkatapos ng grand coronation.
Ang tanong ay may issue nga ba na dapat malaman ng mga tagasubaybay ng mga beauty contest?
***
NASA Manila si Andi Eigenmann kasama ang dalawang anak na sina Ellie at Lilo at hindi makauwi ng Siargao.
Na-miss na niya ang bahay sa Siargao na ang partner niya na si Philmar Alipayo lang ang nandoon. Gustuhin man niya makauwi ay hindi puwede dahil stranded silang mag-iina sa Manila.
Ang dahilan ay dahil sa magkakasunud-sunod na bagyo ay hindi siya makapag-book ng flight pabalik ng Siargao. Kinailangan ni Andi na maghintay muna kung kailan magiging maayos na ulit ang panahon.
Hindi na raw sanay ngayon si Andi sa ingay ng city pero ang maganda raw ay nakasama niya ang kanyang pamilya na madalang na lang makita sa isang taon.
“I feel like we see our family more now than before. For me, the silver lining is that I get to be with my girls and that every member of our family, all of our loved ones, are safe and healthy,” say ni Andi sa kanyang vlog.
Okey naman daw ang buhay niya sa piling ni Philmar sa Siargao at miss na niya ito.
“As much as we wish that the three of us and Philmar are all together, all complete. I`m also really glad that he`s safe and healthy over there on the island and that he`s home where he belongs, especially now that the water have been pumping. It`s been really good in Siargao. Philmar has just been spending his time riding the waves.”
Pregnant ngayon si Andi sa kanyang ikatlong magiging baby.
“I`m nearing the end of my second trimester. We`re just hoping that once my third trimester comes, at the least, we can all enjoy and experience my pregnancy with Philmar around.”