Advertisers

Advertisers

3 patay kay ‘Quinta;’ 13 pa missing!

0 192

Advertisers

UMAKYAT na sa tatlo ang bilang ng mga nasawi sa kasagsagan ng pananalasa ng typhoon Quinta nitong Lunes.
Ayon kay National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) Spokesperson Mark Timbal, dalawa sa mga namatay ay nagmula sa Negros Oriental at isa ang nanggaling sa Marinduque.
Samantala, 13 ang napaulat na nawawala, 12 rito sa Catanduanes kungsaan pumalaot ang mga ito at naabutan ng masamang lagay ng panahon.
Isa namang crew ng lumubog na yate sa Bauan, Batangas ang pinaghahanap pa.
Tiniyak naman ni Public Works Sec. Mark Villar na puspusan ang kanilang mga hakbang para maibalik agad sa normal ang byahe ng mga sasakyan sa mga lugar na nasalanta ng bagyo.