Advertisers

Advertisers

Sabungero tatakas sa raid tumalon sa bangin

0 374

Advertisers

UPANG matakasan ang mga humahabol na pulis, tumalon sa bangin ang isang sabungero na ikinamatay nito nang salakayin ang isang farm na nagsasagawa ng sabong Linggo ng umaga sa Barangay Tambo Malaki, Indang, Cavite.
Kinilala ang biktima na si Mary Jun Agsangre Flores, 47, ng Brgy. Tambo Kulit, Indang.
Nakatanggap ng ulat ang Indang Police na may nagaganap na sabong sa loob ng Roms Farm kungsaan maraming mananabong ang nasa loob. Agad ikinasa ang raid 10:45 ng umaga at naaktuhan ang aktwal na iligal na sabong sa naturang lugar.
Nagpulasan ang mga mana-nabong kabilang ang biktima na tumalon sa bangin upang tumakas. (Irine Gascon)