Advertisers

Advertisers

MANILA INILAGAY NI ISKO SA HIGH ALERT

Dahil sa bagyong Quinta:

0 300

Advertisers

IPINAG-UTOS ni Manila Mayor Isko Moreno na ilagay sa high alert ang mga tanggapan ng city engineering, social welfare at disaster risk reduction and management, kasunod na rin ng pananalasa ng Bagyong Quinta sa lungsod.

Inatasan ni Moreno ang Department of Engineering and Public Works (DEPW) at Department of Public Services (DPS) na kaagad na tanggalan ng mga bara ang mga daanang tubig, partikular na sa mga flood-prone areas, upang maiwasan ang mga pagbaha.

“Mag-declog lang tayo ng mag-declog ng mga imburnal, as many as possible. Ilabas natin ang lahat ng resources ng mga district engineers. Let’s just focus, para walang baha o maiwasan man lang natin,” ayon sa alkalde.



Inatasan din ni Moreno ang Manila Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO) na ihanda ang kanilang mga personnel at mga kagamitan sakaling kailanganing maglikas ng mga residente.

Nabatid na naihanda naman na ng MDRRMO ang evacuation site sa Rosauro Almario Elementary School sa Tondo at nilagyan ng 50 partition tents.

“We move on with the possible flooding and possible affected individuals, repeat performance na lang ‘to. I want what Dir. Angeles did last week, (ang paghanda sa posibleng paglikas),” sabi ng alkalde.

“Despite of uncertainty of data with regard to weather condition, nung nilatag natin yung resources natin, nakita natin yung readiness natin,” dagdag pa niya.

Bilang karagdagan, nagpahanda rin ang alkalde ng mga hot meals, mga kumot at iba pang tulong na maaaring kailanganin ng mga evacuees, partikular na ng mga nagmula sa Baseco at Isla Puting Bato.



“Director Re Fugoso, please have the Manila Department of Social Welfare (MDSW) prepare food assistance for possible affected individuals,” ayon sa alkalde.

Habang isinusulat naman ang balitang ito, wala pang naitatalang mga insidente ng pagbaha sa mga pangunahing lansangan sa lungsod. (Andi Garcia)