Advertisers
Ni BKC
HINDI napigilan ni Kapuso actress Kim Domingo na maging emosyonal nang mapag-usapan ang kanyang best friend na pumanaw dahil sa lung disease nitong Agosto.
Sa interview ng 24 Oras, ibinahagi ng aktres na labis niyang dinamdam ang pagkawala ng kanyang matalik na kaibigan. Ikinuwento rin ni Kim na dahil dito ay nagkaroon siya ng anxiety at nakaranas ng clinical depression kaya’t kumonsulta siya sa isang specialist.
Sa tulong ng kanyang pamilya at mga kaibigan ay unti-unti siyang nakabangon sa pinagdaanan.
“Tuwing magkakaroon ako ngayon ng achievement, sabi ko pupunta ako lagi sa kanya. Dadalawin ko siya. Every achievement na mararating ko ngayon, sabi ko, alay ko ‘yon sa kanya. Ang dami naming dreams.
“At saka sa lahat ng pangarap ko sa buhay talagang kasama na siya dun kasi hindi ko siya itinuring na parang kaibigan lang kasi part of the family talaga,” say pa ng Bubble Gang mainstay.
***
Kissing scene nina Jennylyn at Rhian, ginulat ang viewers
Nagulantang ang viewers ng GMA drama anthology na ‘I Can See You: Truly. Madly. Deadly.’ sa hindi inaasahang kissing scene ng lead stars na sina Jennylyn Mercado at Rhian Ramos.
Isa ang kissing scene sa pagitan ng dalawang Kapuso actress sa mga dahilan kung bakit trending at usap-usapan ang pilot episode ng naturang serye nitong Lunes.
Biro pa ni Rhian sa isang tweet, “Hi. Nakiss ko na si Miss Jennylyn Mercado. Surprise!”
Umani naman ng positive feedback sa viewers ang unexpected kissing scene ng dalawa, “Grabe ang bilis ng pangyayari! You really kissed her OMG… na-surprise kami dun.”
Ikinatuwa rin ng viewers ang naiibang kwento ng serye na may halong romance at mystery, “Nakakatuwa ‘yung pacing. Not a single boring scene. Just when you thought you saw everything in the teasers, ang dami pa palang pasabog. Make this a full-length series, please. Congrats to the team!”
Kasama rin nina Jennylyn at Rhian sa ‘I Can See You: Truly. Madly. Deadly.’ sina Dennis Trillo, Jhoana Marie Tan, and with the special participation of Ruby Rodriguez.
***
Rocco Nacino at Melissa Gohing, lalong tumibay ang relasyon dahil sa halaman
Hindi lang sa fitness activities nagkakasundo sina Rocco Nacino at Melissa Gohing, malaki rin daw ang naitulong ng kanilang bagong hobby na paghahalaman sa pagtibay ng kanilang samahan.
Kamakailan nga ay pumunta pa sila sa Plant Bazaar and Exhibit sa Barangay Alabang sa Muntilupa City para mag-ikot-ikot at bumili ng bagong plant babies.
Sey ng ‘Descendants of the Sun’ actor na si Rocco, “Parehas kami nag-enjoy lalo na si Melissa. ‘Yan ang certified plantita talaga. Pero natuwa ako kasi habang umiikot, lahat ng tao ine-explain nila ‘yung scientific names ng plants.”
Dahil nakalipat na rin si Rocco sa kanyang bagong bahay, ano na nga ba ang next step sa kanilang relationship?
Aniya, “Mag-ipon ulit. Tapos we’ll see how it goes. Pero ang maganda ngayon may bago kaming bonding, pag-aalaga ng plants. Malaki ‘yung maitutulong n’yan sa relationship namin.”
Samantala, excited na rin si Rocco dahil napapanood na muli sa telebisyon ang DOTSPh simula kahapon, Lunes (October 26) sa GMA Telebabad.