Advertisers
Ni PETER S. LEDESMA
SA Zoom mediacon ng Healthy Fix ay kitang-kita na inspired si Jodi Sta. Maria sa bagong business venture kasama ang 15 years ng mga negosyante at pharmacists na sina Sir Nino Bautista at Sir Red Gatus na kasosyo niya.
Maliban sa co-founder ng company ito na BFC Laboratory ay si Jodi rin ang tumatayong director na may hawak ng Marketing at PR na bagay sa actress dahil hindi lang siya popular kundi physically fit pa.
At yes, si Jodi ang nag-organized ng said virtual presscon at first time niya itong gawin katuwang ang kaibigan from Dreamscape Entertainment na si Mareng Eric John Salut. Samantala, napag-usapan sa presscon ang lovelife ni Jodi na nauugnay nga ngayon kay Raymart Santiago. Well, isang napaka-sweet na tawa lang ang naging sagot nito sa tanong sa kanya ng isang movie reporter dahil mas gusto ng actress na bago ang kanyang personal na buhay ay mas pag-usapan na lang ang Healthy Fix ng kanyang mga partner na kanyang ipinagmamalaki dahil lahat ng kanilang 5 food supplements ay very effective raw talaga.
And for her protection sa Covid-19 na nagbo-boost daw talaga ng kanyang immune system na kanya ring minungkahi sa mga showbiz and non-showbiz friends, ay ang Citrus Bioflavonoids Sodium Ascorbate na isang natural Vitamin C.
Sa negosyo raw nilang ito ay magiging healthy ka na, kikita ka pa. Sa mga interesado na gustong maging boss sa sariling negosyo, just
visit WWW.HEALTHYFIXSTORE.COM and FACEBOOK.COM. Patuloy pa ring mapapanood si Jodi sa pinagbibidahang teleserye na “Ang Sa Iyo Ay Akin.”
***
Real Talk At Daily Activities, Ilan Sa Content Sa Youtube Channel Ni Dovie Red
This month o next month ay magiging active na si Dovie Red (dating Dovie San Andres) sa sariling Youtube Channel at isa sa content ng kanyang vlog ay “Real Talk” na pag-uusapan ay anything under the sun.
At dahil kilalang straight forward sa social media ay walang itatago rito si Dovie kaya dapat na abangan ito ng kanyang Youtube viewers.
Ilan pa sa content ng said vlog ni Dovie ay ang kanyang regular routine na iba’t ibang ginagawa sa bahay tulad ng pagluluto, linis, laba kasama ng shopping, travel, dance exercise at iba pa.
Dito naman sa kanyang Real Talk segment ay ikukuwento ni Dovie ang kanyang true to life story sa mga pinagdaanang pagsubok sa buhay na pwedeng magsilbing aral sa kanyang mga manonood.
Sa totoo lang, napaka-colorful ng buhay ni Ms. Red na pwedeng isadula sa Maalala Mo Kaya o Magpakailanman. Mapapanood din sa vlog ni Dovie ang ilang short films na ginawa rin sa kanyang acting videos.
***
Share Your Kwentong Eat Bulaga At Magwagi Ng Premyo Mula Sa Nescafe Original
Sa mga avid and loyal Dabarkads, sigurong bawat isa sa inyo ay may kwentong Eat Bulaga na kung anong taon kayo nag-umpisang panoorin ang inyong favorite noontime show, na-experience niyo na bang sumali sa kanilang mga pakontes at nakapanood na ba kayo nang live sa Broadway Centrum at ngayo’y sa APT Studios?
I-share na ang inyong kwentong Eat Bulaga at magkaroon ng chance na makatanggap ng regalo mula sa Nescafe Original. I-post lang ang inyong photos at story sa Faceboook at Instagram at gamitin ang Hashtag na #KwentongEatBulaga. Dali, sali na!