Advertisers
Ni JOVI LLOZA
TRENDING ang namesung ni Ikka G. sa pagrampa nito.
Halos lahat eh nagalingan sa mahusay na si Ikka G. at walk like a professional model daw ito at kahit ang kanyang parents eh gulantang din sa anak na kalokalike raw ni Jessy Mendiola.
Hindi nakitaan ng pagod ang batang Gutierrez na mas lalo raw ginanahan sa pagrampa.
Bago nga raw maituturing si Ikka G. pero marami ang bumilib sa bunso ng Heart Journals Online on Ktv dahil na rin sa husay nito sa paglalakad sa entablado.
***
Pearl Angela laging nakatapak ang paa sa lupa kahit sikat na
HATAW to the max ang career ni Pearl Angela na ipinakita ang husay nito sa aktingan at naninibago sa puyatan na shooting para sa first film nitong Field Trip.
Ipinakita rin ni Pearl Angela ang kanyang versatility sa pagpasok sa showbiz. Inaasahan ni Pearl Angela na sa kanyang sipag, tiyaga at determinasyon eh mararating nito ang kanyang pangarap.
Never daw lalaki ang ulo ni Pearl Angela if ever na nasa tugatog ng tagumpay at hindi anya dapat magmalaki sakaling mag-level up na siya eh nananatiling nakatapak sa lupa ang kanyang mga paa. Bonggacious!
***
Denn Pintor inspired sa pagrampa
KITA naman na alive at inspired si Denn Pintor sa ginawang premiere night ng pelikulang Field Trip.
Mas lalong naging guwapo si Denn na kahit supporting role lang sa latest film nito eh napansin pa rin.
Kakaibang Denn nga raw ang nakitang umapir sa nakaraang premiere kaya naiintriga ang RFP talent kung sino ang nagpapasiya sa kanya.
Well, well, well…’Yun na!