Advertisers

Advertisers

Ang kaso ni Senadora Liela de Lima

0 346

Advertisers

BABATIIN ko muna ang aking mga kasamahang opisyal at miyembro ng National Press Club sa ginawang feeding nitong Lunes ng umaga, sa compound ng NPC building sa Magallanes Drive, Intramuros, Manila.

Ito ang ikalawang feeding program ng NPC simula nang pumutok ang pandemya ng covid ‘19. Nasa 3,000 plastic box, ‘yung bilog (large) ang naipamahagi natin sa apat na barangays sa lungsod (2 sa Intramuros area, Baseco at Parola) at sa mga nakatira sa kalye na sumugod sa compound para mag-almusal ng mainit na lugaw habang bumubuhos ang ulan ni bagyong Quinta.

Obkors pinasasalamatan natin dito ang dating ama ng Candaba, Pampanga na si Engr. Baylon na nagkaloob sa NPC ng 20 sako ng bigas na tig-25 kilos, 200 pirasong manok (malinis na), at 4,000 pirasong malalaking itlog (doble ang pula). Ito ang ginamit namin sa feeding (pa-lugaw).



Ito rin ang ikalawang beses na pagbigay ni Engr. Baylon ng libu-libong itlog, dressed chicken at sako-sakong bigas sa NPC. Una siyang nagkaloob noong ikalawang buwan ng lockdown (enhanced community quarantine), na ipinamahagi naman namin sa mga miyembro ng asosa-syon.

Many, many thanks, ex-Mayor Baylon… Ang katulad mong good samaritan ang karapat-dapat maging public servant. Mabuhay!!!

***

Malamang na magkaproblema sa bandang huli ang RTC Judge sa Muntinlupa na dumidinig sa kaso ni Senadora Liela de Lima.

Pinabulaanan ng mga resource person mula sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at Anti-Money Laundering Council (AMLC) na sangkot sa kalakalan ng iligal na droga sa National Bilibid Prison ang dating Justice Secretary na si De Lima, at wala rin daw itong nakatagong “drug money” sa bangko.



Si De Lima ay numero unong kritiko ni Pangulong Rody Duterte simula pa noong mayor ng Davao City ang huli, habang Human Rights chairwoman at naging Justice Sec. ang kasalukuyang nakakulong na senadora.

Si noo’y Mayor Duterte ay inimbestigahan ng noo’y Human Rights chair na De Lima sa isyu ng ‘Davao Death Squad’. Hanggang sa maging Justice Sec. si De Lima ay binibira niya parin si Duterte. Hanggang sa maluklok na pangulo si Duterte at binuweltahan si De Lima.

Pagkaupo na pagkaupo palang sa Palasyo ni Duterte noong 2016 ay inanunsyo agad nitong: “Wala na yang si De Lima. Tapos na yan!” Nakulong nga si De Lima ilang buwan palang itong nakaupong senador.

Kinasuhan si De Lima ng pakikipagsabwatan sa mga convicted drug lord sa Bilibid. Idiniin si De Lima ng tila mga de susing drug lords na tumatanggap ito sa kanila ng milyon milyong protection money. Mag-apat na taon na ngayon sa kulungan ang senadora, kungsaan ang mga pagdinig sa kanyang kaso ay madalas ma-postpone. You know!

Sabi, makalalaya lang si De Lima kapag natapos ang termino ni Duterte sa 2022.

Sa sistema ng hustisya at politika sa bansa na puros gantihan, malamang na mabubuweltahan ang hukom na humahawak sa kaso ni De Lima, at malamang ding matatadtad ng kaso si Duterte kapag ‘di kaalyado niya ang papalit sa kanya sa 2022. Mismo!

Samantalang si De Lima ay re-electionist. Mahalal kaya siya uli? Let’s see!

Ang filing ng CoC para sa 2022 election ay sa Oktubre 2021, 12 months nalang mula ngayon. Kampanyahan na!