Advertisers
Ni ROMMEL GONZALES
MAITUTURING daw na ‘lucky charm’ nina Prima Donnas stars Aiko Melendez at Wendell Ramos ang isa’t isa.
Bata pa lang daw ay magkaibigan na ang dalawa dahil sa kanilang manager noon, ang namayapang si Douglas Quijano. Tanong tuloy ng netizens, sa tagal na nilang magkakilala ay bakit nga ba hindi na-link sina Aiko at Wendell sa isa’t isa?
Paliwanag ni Aiko, “Kasi matagal na kaming magkaibigan ni Wendell, mga bata pa lang tayo, ‘di ba?”
Sey pa ni Wendell, “Yes, tsaka nung una ko pa lang pagpasok sa industriya natin, sa showbiz, ang una ko pong kaibigan na artistang babae talaga, at kumausap sa akin kahit pagkatapos noon kumuha niya ng award, naalala mo ‘yun? Aiko Melendez ka na nun, e.”
“Grabe naman ‘to, magkasing-edad lang tayo halos,” natatawang sagot naman ng aktres.
Suwerte rin daw sila dahil sa nagtatagal ang mga teleserye na kanilang pinagsasamahan kagaya ng Prima Donnas, “Laging ‘pag nagsasama kami ni Wendell, sobrang tumatagal ‘yung mga show.”
Nitong Oktubre 18 ay natapos na ang 21-day lock-in taping ng cast and crew ng Prima Donnas. Kaya naman inaabangan na ng fans ang nalalapit na pagpapalabas ng fresh episodes ng serye.
Samantala, patuloy naman na napapanood ang recap ng Prima Donnas sa GMA Afternoon Prime.
***
‘Family History,’ pasok sa 2020 Pista ng Pelikulang Pilipino
Bahagi ng 2020 Pista ng Pelikulang Pilipino (PPP) ang ‘Family History’ na produced by GMA Pictures at Mic Test Entertainment, Inc. Ito rin ang directorial debut ng award-winning comedian at content creator na si Michael V.
Ang ‘Family History’ ay ang heart-warming na kuwento ng isang pamilyang may kinakaharap na matinding pagsubok. Bida rito sina Michael V. at Dawn Zulueta bilang ang mag-asawang sina Alex at May, na sa umpisa ay imahe ng isang “happily married” couple.
Pero unti-unti ay makikita ang mga problema sa pagsasama nila. At nang malaman nila na may cancer si May, kakailanganing gumawa ni Alex ng isang malaking desisyon para sa pamilya nila.
Mula October 31 hanggang November 15, magaganap ang online festival sa website ng Film Development Council of the Philippines (FDCP) headed by Liza Diño-Seguerra. Magkakaroon dito ng apat na virtual cinemas na may scheduled screenings ng iba’t ibang palabas.
***
Mikoy Morales may kakaibang style ng self-care
Sa nakaraang episode ng GMA Artist Center online show na ‘Cool Hub,’ ibinahagi ng Kapuso actor na si Mikoy Morales kung paano niya inaaliw ang sarili habang naka-quarantine.
Ayon sa kanya, sinimulan niyang mangolekta ng mga Star Wars, Marvel, at D.C. action figures, “My dad used to go to Japan a lot for work. He would always come home with lots of Star Wars toys. ‘Yun kasi ‘yung era na ‘yun, e… Simula noong nagkatrabaho na ako, ginagawa ko na siya na parang self-fulfillment na natutuloy ko siya with my own money. I get to buy them and I get to buy things for myself. It’s a way of self-care for me.”
Kasalukuyang napapanood si Mikoy tuwing Biyernes sa ‘Bubble Gang’ at sa ‘Pepito Manaloto’ naman tuwing Sabado.