Advertisers

Advertisers

VP Leni nag-self quarantine matapos maka-close contact sa covid patient

0 241

Advertisers

KINUMPIRMA ni Bise Presidente Leni Robredo na nasa ikatlong araw na siya ng kanyang self-quarantine.
Kasunod ito ng pagpositibo sa COVID-19 ng kanyang nakasalamuha na pasyente.
“On Friday morning, we learned that someone, my chief of staff and I had a very close contact with tested positive for COVID. We decided to do self quarantine beginning Friday until we get a swab test,” ani Robredo.
Panatag naman si Robredo dahil sa ngayon ay hindi pa siya nakararanas ng anumang sintomas ng naturang sakit.
Saad pa ni Robredo na ang kanyang self quarantine ay tatagal hanggang sa makapag-swab test na sila para sa deadly virus. Inihayag din ni Robredo na ipinagpaliban muna nito ang mga naka-iskedyul nitong events kabilang rito ang pagbisita sa Community Learning Hubs. (Josephine Patricio)