Advertisers

Advertisers

Trike driver na tulak timbog uli sa ikatlong pagkakataon

0 209

Advertisers

LAGUNA – Balik piitan ang isang tricycle driver matapos mahulihan ng malaking halaga ng ipinagbabawal na droga sa Barangay Callios, Sta. Cruz dito sa lalawigan.
Sa ulat ni Police Lt. Col. Chitadel Gaoiran, hepe ng Laguna PNP, kay Provincial Director Col. Serafin Petalio II, nakilala ang naaresto na si Arnold Cabigan, 47, residente ng Bgy Callos.
Inaresto si Cabigan sa bisa ng Search Warrant na ipinalabas ni Hon. Judge Divinagracia G. Bustos-Ongkeko, Executive Judge, RTC Sta Cruz, Laguna, 4:45 ng hapon ng Sabado.
Nasamsam ng pulisya mula sa pag-iingat ni Cabigan ang 11 small plastic sachet at pakete ng shabu na nagkakahalaga ng P350,000.
Sa talaan ng pulisya, lumilitaw na labas-pasok na si Cabigan sa piitan, kungsaan ikatlong beses na itong naaresto ngayon sa pagtutulak ng droga.
Nakapiit na ito sa Sta. Cruz PNP detention cell habang inihahanda ang kasong isasampa laban dito. (Dick Garay)