Advertisers
Ni JOVI LLOZA
SA IG post ni Sharon Cuneta sa ipinatatayo nitong bahay ay gulat ang netizens dahil napakalaki nito.
Kahit nga sa kanyang contractor ay natuwa si Megastar dahil hands on nga raw ito.
Updated si Sharon sa ipinatatayong dream house dahil on time pinapasahan ito ng video ng kanyang contractor.
Hindi naman nakapagpigil si Sharon na ipasilip ang pagtatayo ng pundasyon ng kanyang bahay sa kanyang IG account.
Na-excite nga marahil si Sharon na i-post ang pinagagawa nitong dream house.
Sa kabilang banda, maraming natuwa kay Sharon na mga construction worker dahil sa lawak at laki ng lote ay maraming manggagawa ang kailangan.
Naitatayo na nga raw ang dream house ni Sharon ay nakakatulong pa ito sa mga trabahador na magkaroon ng hanapbuhay para sa kanilang pamilya.
Sa hirap nga raw ng buhay ngayon ay masuwerte naman ang mga construction worker na nabigyan ng hanapbuhay ni Sharon sa kabila ng pandemya.
Ikinatuwa ng netizens na maraming manggagawa ang nakinabang at natulungan sa pagtatayo ng bahay ni Megastar.
***
HINDI naman daw sa naghahabol si Michelle, ang live-in partner ni Super Tekla sa mga perang nalikom para sa pagpapagamot sa anak.
Ayon sa panayam ni Raffy Tulfo kay Michelle na marami raw kilalang personalidad ang nagbigay ng tulong para sa pagpapagamot sa kanilang anak.
Ang alam ni Michelle na sinagot na ng buo ng isang pulitiko ang pagpapagamot kay Baby Miracle.
Kaya tanong naman ni Michelle na nasaan pa ang ibang nalikom na pera na ipinaabot na tulong sa kanilang anak.
Sa kuwento ni Michelle, never daw itong nagtanong o naghanap sa pera dahil si Tekla ang nangangasiwa pero kambyo ni Tulfo na bilang ina ng baby ay may karapatan daw si Michelle.
Sa kabila na itinanggi ni Tekla ang sexual abuse sa esmi ay may panibagong isyu na naman si Michelle sa mister na asan na ang mga perang itinulong sa kanilang anak.
Marami namang netizens na nagsabi na hindi raw siguro pababayaan ni Tekla ang kinabukasan ng kanyang anak na for sure ay ipinagtabi niya rin ito para sa kinabukasan ng kanilang anak.
Wish pa na ng netizens na matuldukan na ang sigalot sa pagitan ng ex-live partner at si Tekla alang-alang sa kanilang anak.
Well, well, well…’Yun na!