Advertisers

Advertisers

Sen. Sotto hinamon ang PACC chief pangalanan mga opisyal na korap

0 218

Advertisers

PINAPANGALANAN ni Senate President Vicente Sotto III sa Presidential Anti-Corruption Commission (PACC) ang mga opisyal na iniuugnay nito sa kurapsyon sa Department of Public Works And Highways (DPWH).
Pahayag ni Sotto, dapat ilabas ng PACC ang pangalan ng mga sinasabi nitong contractor, congressman, senador at miyembro na gabinete na sangkot umano sa katiwalian sa DPWH.
Ayon sa senador, kinakailangang patunayan din ng PACC ang kanilang mga alegasyon lalu na’t maituturing na suspek ang lahat.
Dagdag ni Sotto, hindi rin aniya matitigil ang kurapsyon sa loob ng DPWH kung hindi mailalantad ang mga sangkot dito.
Samantala, tiwala si Sotto na walang kahit isa sa kanyang kasamahang 23 senador ang sangkot sa katiwalian sa DPWH.