Advertisers
DATI umanong sports writer ng pahayagang Manila Bulletin si Virginia Rodriguez na ngayon ay tumatayong punong tagapamahala ng isang construction firm.
Nakatanggap daw ito ng death threats kaya humingi ng tulong sa National Bureau of Investigation (NBI) at Criminal Investigation and Detection Unit (CIDG), ang itinuturong isa sa mga suspek ay ang negosyante at nag-aartista ring si Christine Reuyan at Mark Guerrero na sinabi nito na nag-invest ng malaking halaga sa nagpakilalang Director raw ng Department of Budget and Management na si Rodriguez.
Ito’y isang malaking pagpapanggap at panloloko kay Christine at sa iba pa. As a matter of fact, lumapit daw siya kay Christine para magpakilala at makipag-negotiate ng transkyon sa kompanya ni Christine.
Ang position niya kuno ay direktor daw ng DBM na ginagamit niya para makapanloko ng ilang tao. But we find out na fake pala ito, katunayan nakakuha kami ng documents na hindi siya naging direktor ng DBM, so in short, peke siya.
Nitong mga nakaraang araw, sunud-sunod na artikulo ang lumabas na sinulat ng ilang news reporters na lumabas naman noong ikawalo ng Oktubre, taong kasalukuyan.
Isinulat ng mga ito na si Virginia Rodriguez, matapos daw niyang sibakin sa kanyang kompanya sina Christine Reuyan, Mark Eudell Guerrero, Jose Gayoba na kilala rin bilang si “Madam Lola” at Myla Gumban, doon na raw siya nagsimulang makatanggap ng mga pananakot ng pagpatay sa kanya.
Sinasabi rin ni Rodriguez na siya raw ay may mabigat na ebidensiya laban sa mga nabanggit na pangalan na nagbayad umano ang mga ito para gawan siya ng masama. Dagdag pa rito, sinisira din daw ng mga ito ang kanyang reputasyon.
Sino nga ba si Christine Reuyan? Bukod sa isang artista, siya ay isang matagumpay na negosyante ng isang malaking construction company na rehistrado sa Department of Trade and Industry. Si Christine rin ang may-ari at CEO ng Call Center at isang government contractor.
Merong ding papeles na pirmado at inilabas na nagpapatunay at nagsasaad mula mismo sa talaan ng records ng DBM, na hindi kailanman naging konektado si Virginia Rodriguez o ang nagngangalang Angelica Delantar o Angelica Vega, sa kanilang Central at Regional offices, taliwas sa sinasabi ng mga nabanggit na silaý kawani at opisyal ng naturang ahensiya. Malinaw na peke o palsipikadong dokumento ang ipinakita nito kay Christine.
Dagdag pa ng DBM, may abiso silang inilabas para sa publiko, babala na nagsasaad na mag-ingat at ipinapabatid sa lahat na nakarating sa kanilang kaalaman na may mga taong nagpapanggap na kawani o opisyal ng DBM at may kakayahan mang-impluwensiya ng mga opisyal nito sa taas upang agad na maaprubahan ang isang panukala at maglabas ng mabilisang budget para sa mga Local Government Unit or LGUs.
Nais ipabatid ng DBM sa publiko na sina Delantar o Angelica Vega at Virginia Rodriguez o kahit sinupaman ay walang pahintulot na mangolekta ng pera na maaring gamitin sa anumang layunin dahil hindi umano lisensyado o konektado ang mga ito sa nabanggit na ahensya ng gobyerno. (Showbizteam)