Advertisers
Ni ROMMEL PLACENTE
DAHIL sa husay at hataw sa pagsasayaw, binansagan na si Kim Chiu sa programa nilang ASAP Natin ‘To, bilang Queen of the Dance Floor.
Ang nasabing titulo ay unang binigay kay Maja Salvador. Pero dahil wala na siya sa ASAP, lumipat na siya sa kalaban at katapat nito sa ere na SNL ng TV5, kaya binawi sa kanya ang titulo at binigay na nga ito sa girlfriend ni Xian Lim.
Thankful naman si Kim sa ASAP. Natutuwa siya na kahit sa tingin niya ay hindi siya best dancer at nakakasayaw lang, binigay pa rin sa kanya ang titulong Queen of the Dance Floor.
O ‘di ba, sobrang mapagpakumbaba si Kim? In fairness, deserve niya ang title. Magaling naman talaga siyang sumayaw. Pero ano kaya ang masasabi ni Maja na binawi sa kanya ang titulong Queen of the Dance Floor at binigay kay Kim?
***
JASON NAGBEBENTA NG TUYO AR KAPE SA PANAHON NG PANDEMYA
KASAMA si Jason Abalos sa historical film na Balangiga 1901 mula sa JF Films at sa direksyon ni Danny Marquez. Gumaganap siya rito bilang si Sgt.Pedro Duran.
“Sobrang interesting ng role ko. Si Ejay (Falcon), straight siya na pulis. Siya ‘yung kapitan ng Balangiga. Ako, sarhento niya, pero kasapi rin ako sa katipunero.
“Kumbaga, espiya ako ng mga katipunero,” kwento ni Jason tungkol sa kanyang role.
Patuloy niya, “Sabi nu’ng mga kaapu-apuhan niya (Sgt. Duran) kasi sila ang nagkuwento tungkol sa Balangiga, siya ‘yung nag-ring ng bells, nagbigay ng hudyat sa mga kasamahan niya sa labas para pasukin ‘yung bayan.”
Hindi ba siya nagdalawang-isip na tanggapin ang pelikula to think na hanggang ngayon ay may pandemya?
“Siyempre lahat naman tayo iniisip kung magiging safe ba ‘yung trabaho. Matagal na rin akong naghihintay na may ginagawa, eh. Na-bored na rin ako sa bahay. Nagbenta na ako ng kung anu-ano, sardinas, dried fish.
“Ngayon meron na rin akong binebentang kape. Sabi ko, hindi pwedeng wala tayong gingawa, kailangan kong tanggapin. Kung palalagpasin ko ‘yan, maghihintay tayo na mawala ‘yung pandemic, baka hindi na tayo makakakuha ng ganitong klase ng pelikula,” paliwanag pa ni Jason.
‘Yung ibang nasa cast ng pelikula ay dumaan muna sa audition bago napili. Pero si Jason ay hand-picked para sa kanyang role.
“Ang sabi sa akin ni Direk, ako ‘yung last na pinili nila. Siguro, two weeks ago lang.”
Si Ejay ang bida sa Balangiga 1901, support lang si Jason. Bakit siya pumayag na sumuporta lang kay Ejay to think na nagbida na siya sa mga pelikula at naging Best Actor na?
“Bakit naman hindi?” balik-tanong ni Jason.
“Ako, sobrang fan na fan ako ni Mr. Eddie Garcia. Sa kanya ko narinig na walang maliit o malaki na role. Hangga’t nagagawa mo yung gusto mo, di ba, walang masama ru’n? Ako kasi. passion ko ‘yung acting. Gusto kong umarte nang umarte,” pagtatapos niya.