Advertisers

Advertisers

Heart ipinost sa IG ang past love na si John; Sir Joel bagsak ang pabango, bumawi sa takoyaki at milktea

0 356

Advertisers

Ni Gerry Ocampo

SA kagustuhang  makatulong  sa panahon  ng  Covid-19 pandemic, ang binansagang  Lord of Scent na si Joel Cruz ay nagtayo  ito  ng bagong negosyo  na Takoyatea ( Takoyaki  at Milktea) na matatagpuan din sa tapat  ng  kanyang  Aficionado office sa Sisa Street Sampaloc, Manila.

Ginanap  ang blessing  ng bago niyang negosyo kasosyo ang kapatid at pamangin na sina Sir Michael, Man Avin at Royce Ramos. Pagkatapos  ng blessing ni Father Sidi na isang Indian priest ay agad na dinagsa  ito  ng mga tao na naninirahan sa Sampaloc at maging ang mga nagdadaan na mga nakakotse ay nagsisihinto para tikman ang masarap na Takoyaki at Milktea ni Sir Joel.



Sa tsikahan namin kay Sir Joel sa kanyang  malapalasyong  tahanan ay nalaman namin na lahat ng kanyang  empleyado  ay nakatanggap ng 13th month pay at iba pang benefit.

“Alam ko ang nararamdaman ng mga tao ngayon. Marami ang nagsarang negosyo. 50% ang binagsak ng Aficionado perfume. Buti na lang nakabawi  kahit  paano  sa  ginawa  naming  alcohol  na nakatulong sa mga tao sa mababang presyo,” say ni Sir Joel.

“Nakikita  ko ang pangangailangan ng mga kababayan natin at ito nga ang naisip ko para  makatulong  sa kanila, ang magtayo ng masang  pagkain  na masarap at affordable ang presyo. Nakikita ko karamihan ng mga empleyado ko ay madalas mag-order ng Milktea.

“Ako  rin minsan at kapatid ko ay umooder ng Milktea at Takoyaki. Kaya  I make sure na masarap at talagang babalik-balikan mo kapag natikman mo ito,” say pa ni Sir Joel.

Masuwerte rin ang mga artistang endorser ng Aficionado perfume dahil  extended ang contract nila sa kanila. Patuloy pa rin ang pagpirma ni Sir Joel ng tseke sa lahat ng kanyang endorser kahit sa panahon ng pandemic.



Mensahe ni Lord of Scent  sa kapwa na huwag  mawawalan ng pag-asa. Hangga`t  may buhay ay may  pag-asa at laging manalig kay Lord.

“I  want  Filipinos  to  earn money  during pandemic.  If  we  have  our  passion, dedication,  hard work, we  can  earn  so much this pandemic. Be  blessed  always.  Keep our strong  faith  to Him!”

Open rin sa mga gustong mag-franchise ng Takoyatea ni Sir Joel, just text  Mam Avin—0949881-3895  or Neil –0949889-0577.

***

MARAMING naaliw sa latest YouTube vlog  ni Heart Evangelista na ang clips ng kanyang mga dating performances, movies at TV shows.

First  clip  na makikita  ay  isang dance number nila ni John Prats sa ASAP na dati niyang ka-loveteam  noon nagsisimula pa lang si Heart at  nasa  ABS CBN  pa.

Natatawa  si  Heart  sa mga pinaggagawa niya noon at she recalled  her  past  relationship  with John Prats  na naka-MU (mutual understanding) niya.

“You know what, I  really spent  a lot of time with John Prats growing  up coz  were  like  the  love team. He was my MU.  I  remember our ano (anniversary) pa then was 02-02-02  nung  naging MU-MU kami  nun`g  bata  kami,” say ni Heart.

Pero  hindi  rin nagtagal  ay  nauwi  rin  sa  wala at naging magkaibigan lang sila.

“We`re  friends  now  though  but we were just  very  comfortable with  each other. So yeah,” aniya.

May  clip din ipinakita si Heart na may eksena silang ginagawa ni John  pero that time ay nag-aaway sila nang kunan ang naturang eksena.

“Alam  ko  rito sa part na `to, magkaaway  kami ni John Prats. Nag-aaway  kami  kasi may  nanliligaw  na sa akin  na iba no`n  Eventually , naging  boyfriend  ko yung  person na yun. Nag-aaway  kami  no`n,” balik tanaw ni Heart.