Advertisers

Advertisers

Pag-uugnay ng AFP sa ilang mga celebrities bilang NPA, pinalagan

0 220

Advertisers

Sa kabila babala ni Lt.Gen. Antonio Parlade Jr., ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCACsa mga aktres na sina Liza Soberano at 2018 Miss Universe Catriona Gray na tigilan na ang pagkiling sa mga militanteng grupo, ay hinimok pa ni Bayan Muna Partylist Rep. Carlos Zarate ang ibang mga celebrities na lumantad at mandindigan para sa karapatan ng ordinaryong mamamayan.
Ayon sa kongresista, natutuwa sila sa MAKABAYAN na ang mga tulad nila Soberano at Gray, ay ginagamit ang kasikatan at impluwensya para suportahan ang adbokasiya na kumikilala sa karapatang pantao.
Wala rin naman umanong masama kung magsalita ang mga kilalang celebrities sa bansa para sa mga marginalized at biktima ng mga pangaabuso.
Iginiit naman  ni Gabriela Partylist Rep. Arlene Brosas na tigilan na ang red-tagging sa aktres na pilit na iniuugnay sa armed movement gayong ang ginawa lang naman ni Soberano ay nagsalita para sa mga kabataan at kababaihang biktima ng gender-based violence and abuse. (Henry Padilla)