Advertisers
Ni ROMMEL PLACENTE
NAKATUTUWA si Gardo Versoza. Nagti-tiktok na rin kasi siya. Ipino-post niya ito sa kanyang Instagram account, at makikita ritong tila naging trademark na niya ang pagsuot ng skimpy boxer shorts at high heels habang nagsasayaw.
O di ba, maiisip mo ba na ang kilalang dating sexy star na nag-shift sa action ay magti-tiktok?Naaaliw ang netizens na makita ang galing sa pagkembot ni Gardo, kasama pa ang kanyang misis na si Ivy.
Nakatutuwa sila talagang panoorin. Pero kung marami ang naaaliw sa mga dance challenge nina Gardo at Ivy, may mga tao rin na hindi natutuwa at binabatikos ang mag-asawa.
Ayon pa kay Gardo, may mga humuhusga pa raw sa kanya na siya ay bakla. Pero dedma lang naman daw sila sa bashers.
“Kahit saan naman yata may bashers. May mga nagsasabi na, ‘Sabi ko na, ‘Aba, bakla ‘yan. e. Hindi lang nag-a-out dati, pero ngayon out na siya.
“Minsan sinasabi, ‘Tingnan niyo, mas mukha pa siyang babae sa asawa niya.’ “Yung mga ganoong bashing hindi natin maiiwasan,” sabi ni Gardo sa interview sa kanya ng Pep.ph
Mas nakatutok daw ang atensiyon nilang mag-asawa sa mga taong natutuwa sa kanilang videos.
“Basta kaming mag-asawa, hangad lang namin, makapag-share ng kahit konting saya, lalo na ngayong pandemya. Kapag negative, huwag nang patulan.”
***
MAY apat na noontime shows na ang magkakatapat ang oras, na naglalaban sa pataasan ng rating.
Ito ay ang Eat Bulaga ng GMA 7, It’s Showtime ng A2Z, Lunch Out Load ng TV5 at Happy Time ng Net25. Madaragdagan ang nooontime shows sa telebisyon. Ang PTV ay magkakaroon na rin kasi titled Tawa Sa Tanghali.
Mapapanood na ito simula next month. O, ‘di ba, makikipagsabayan na rin ang PTV sa noontime show?