Advertisers
Balewala kay Miss Universe 2018 Catriona Gray ang warning ng militar hinggil sa pagsuporta nito sa grupong Gabriella.
Ayon kay Atty. Joji Alonso, abogado ni Gray, hindi umano apektado ang beauty queen sa banta ni Southern Luzon Command Chief Lt. Gen. Antonio Parlade Jr dahil patuloy pa rin nitong susuportahan ang mga grupo na nagsusulong sa mga karapatan ng kababaihan.
Maging ang aktres na si Liza Soberano ay binantaan din ni Parlade.
Umalma naman si Commission on Human Rights (CHR) Commissioner Gwendolyn Pimentel-Gana sa mga pahayag ng opisyal at nagpaalala na dapat maging maingat sa mga binibitawang salita. (Jonah Mallari)