Advertisers

Advertisers

Heart mas feel mag-Xmas sa Sorsogon kesa Manila

0 262

Advertisers

Ni ROMMEL GONZALES

SA interview niya sa GMANetwork.com, ibinahagi ng Kapuso Queen of Creative Collaborations na si Heart Evangelista na wala pa silang plano ng kanyang pamilya kung paano nila ipagdiriwang ang Pasko ngayong taon.

Aniya, “I actually have no idea, but I definitely changed my big, big tree, which was almost half of this room to that little tree over there. It’s like a plant. That’s how small my Christmas tree is because I guess there’s just so much work, and you know, it’s just complicated these days. But I still wanted to put a symbol of Christmas in our home.”



“And I’m not really sure if I’m gonna spend Christmas here (Manila) because as much as possible, I want to be with as many relatives as possible. So, baka sa Sorsogon kami magki-Christmas,” kuwento pa ng Kapuso star.

Samantala, looking forward naman si Heart sa upcoming release ng kanyang single na ini-record 15 years ago – ang “Breathe You.” Abangan ‘yan ngayong Martes (October 27) sa lahat ng digital streaming platforms worldwide.

***

SINUPORTAHAN ni Congressman and Anti-Crime and Terrorism through Community Involvement and Support (ACT-CIS) Party-list Rep. Eric Go Yap ang request ng Miss Universe Philippines na itanghal ang kanilang coronation sa Baguio City.

Ayon sa mambabatas, malaking tulong ito para mas lalong ma-boost ang turismo ng Benguet dahil makakaengganyo sa mga turista na muling mamasyal sa naturang probinsya at muling nakabangon economically pagkatapos ng ilang buwang quarantine dulot ng COVID-19 pandemic.



“Hindi ito para sa sarili ko pero ito ay para tuparin ang ating commitment na iguguhit natin ang Benguet sa mapa at pasisikatin natin ang kagandahan at kayamanan ng ating probinsiya,” diin ni Yap.

Ang Grand Coronation ay magaganap today, Sunday Oct. 25 sa Baguio Country Club Cordillera Convention Hall. Mapapanood ito sa GMA-7 the same day.

May replay ito sa Linggo ng 10:30 pm sa GMA-7.

Sa grand coronation day, host si KC Montero at performers sina Jessica Sanchez, Allen Cecilio, Anjo Damiles, at Kevin Montillano.

Ang koronang ipuputong ni Gazini Ganados sa kanyang successor ay likha ng Villarica Family ng Meycauayan, Bulacan, na may-ari ng Villarica Pawnshop chain. Ang lahat ng ito ay dahil sa sipag, tiyaga at talino ni Jonas Gaffud na ama at ina ng Empire.PH.