Advertisers

Advertisers

Bistek umeeksena ulit kay Kris; Janella, nanganak na?!

0 266

Advertisers

Ni JOVI LLOZA

TILA may paramdam sa social media si Herbert Bistek Bautista kay Kris Aquino kahit ipinaalam na ng Queen of all Media na mayroon na itong now and forever.

Sa post ni Kris ay may hugot naman itong “Kay tagal kitang hinintay at hindi mo naman ako ipinaglaban.



Kaya naman nung time na ‘yun nagkaroon ng footprints sa puso nito ang nag-iisang mayor na si Joey Marquez.

Kaya ayon kay Kris huwag na nga raw i-rewrite ang story ng nakaraan at closed chapter na nga raw sa kanya ang nagdaan.

Sa kahihintay naikasal na ito sa PBA player na si James Yap na tatay ni Bimby na nauwi rin sa hiwalayan.

Para kay Kris sarado na ang kanilang love story at ayaw na balikan pa.

Kaya kuda ng netizens na eentra o eeksena pa yata si Bistek sa puso ni Kris ngayong inihayag na nito sa kanyang socmed na may special someone na ito.



Sorry na nga lang daw tsika pa ng isang netizen  sa palipad hangin ni HB gamit ang socmed.

***

NAHULI ng mga followers sa IG post ni Markus Paterson  ang photo ng new baby.

Dalawang photos bukod sa new born baby ay may girl na nakahiga na inisip ng followers na nanganak na si Janella Salvador na post pics pa ni Markus dated October 21.

Nang balikan nga raw ang stories ng post pics ay waley na ito.

kumalat na balita naman na preggy ang young actress nung September at posibleng manganak this month of October.

Kaya naman nang mag-post si Markus sa kanyang socmed account  ay maraming duda na nanganak na nga si Janella.

Nagtungo naman ang kaanak ni Janella sa UK kung saan nakabase ang family ni Markus.

Kahit ang inang si Jenine Desiderio ay marami rin post na pics kasama ang dyunakis na si Janella.

Kaya tanong ng netizens at fanatics kung nanganak na ba si Janella?

Well, well, well… ‘Yun na!