Advertisers
APRUBADO na ng Inter-agency Task Force on the Management of the Emerging Infectious Diseases (IATF) ang rekomendasyon ng Metro Manila mayors na iakyat sa 30 porsyento ang venue o seating capacity na papayagan para sa mga religious gatherings sa mga lugar na nasa ilalim ng general community quarantine (GCQ).
Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, ang pagpayag na ito ng IATF, ay upang kahit papaano, maipagpatuloy pa rin ng mga Pilipino ang tradisyon ng Pasko kahit sa limitadong kapasidad.
Una na rin kasi umanong ipinagbawal ang pagbisita sa mga sementeryo sa Undas at marami na ring kaganapan ang kinailangang kanselahin dahil sa COVID-19 pandemic.
“Wala na kasi tayong undas, sarado ang ating mga sementeryo, tapos marami na rin tayong nakansela, so siguro naman kahit papano magkaroon naman tayo ng pagpapatuloy ng ating mga Christmas traditions bagamat 30 percent lang po ang ating pupuwedeng simbang gabi,”ani Sec. Roque.
Bukod dito, nakakakita na rin naman umano ng pagbaba ng bilang ng mga naitatalang bagong kaso ng COVID-19 bunsod ng pagsunod ng mga Pilipino sa mga minimum health standards. (Vanz Fernandez)