Advertisers

Advertisers

Jillian ipinakita ang lock-in taping ng Prima Donnas

0 282

Advertisers

Ni ROMMEL GONZALES

NATAPOS na ang lock-in taping ng cast ng GMA Afternoon Prime series na ‘Prima Donnas.’



Sa YouTube channel ni Jillian Ward, ibinahagi niya ang naging experience sa set na magkakasama sila ng cast sa loob ng 21 na araw.

Ipinakita rin niya ang naging paghahanda nila, tulad ng swab testing.

Abangan ang mga susunod na updates sa nalalapit na pagpapalabas ng fresh episodes ng Prima Donnas sa GMA Afternoon Prime.

***

24 Oras at mga Kapuso star, pinarangalan sa 51st Box Office Entertainment Awards



Wagi ang GMA primetime newscast na 24 Oras at ilang Kapuso stars sa 51st Box Office Entertainment Awards ng Guillermo Mendoza Memorial Scholarship Foundation.

Hinirang na Most Popular TV Program ang 24 Oras para sa News & Public Affairs category.

Kinilala naman ang Asia’s Multimedia Star na si Alden Richards bilang isa sa Phenomenal Stars of Philippine Cinema at Film Actors of the Year para sa Hello, Love, Goodbye.

Ginawaran naman ang Kapuso actor na si Gabby Concepcion ng Corazon Samaniego Award.

Hinirang na Most Popular Loveteam for Television sina Bianca Umali at Miguel Tanfelix para sa Kapuso series na Sahaya, habang Most Promising Male Recording Artist of the Year naman ang The Clash season 1 alumnus na si Anthony Rosaldo.

Winner din ang ilan sa Dabarkads. Natanggap ni Allan K ang Bert Marcelo Lifetime Achievement award. Male TV Hosts of the Year naman sina Jose Manalo, Wally Bayola, at Paolo Ballesteros.

Samantala, itinanghal din na Comedy Actor of the Year si Paolo, habang Comedy Actress of the Year si Maine Mendoza.

***

TAMPOK sa brand new episode ng real life drama anthology na #MPK o Magpakailanman ang buhay ng dance sport champion na si Lairca Nicdao.

Anim na taong gulang pa lang si Lairca nang maputulan siya ng binti dahil sa sakit na bone cancer.

Si Bianca Umali ang gaganap bilang Lairca Nicdao.

Si Nikki Co ang gaganap bilang kanyang classmate na si Myco.

Si Dave Bornea naman si JC na magiging dance partner ni Lairca.

Abangan ang kanyang kuwento sa “Sayaw ng Buhay: The Lairca Nicdao Story,” ngayong Sabado, October 24, 8:15 pm sa Magpakailanman (#MPK.)