Advertisers
Ni PETER S. LEDESMA
ANG totoong pag-ibig kahit hindi mo hanapin ay kusang dumarating sa taong ka-destiny mo.
Like actress-movie producer Harlene Bautista na after ng two years separation with the father of her kids na si Romnick Sarmenta, ngayon lang nakatagpo ng bagong pag-ibig sa katauhan ni Federico Moreno (anak ng namayapang si Kuya Germs).
And kung tagasubaybay ka ng FB ni Harlene ay makikita mo sa
larawang kanyang pinopost ang sweetness nila sa isa’t isa ni Federico sa kanilang mga date sa class restos.
And since naging sila ng anak ni Kuya Germs, naging active si Harlene sa social media at siya ang nag-organize ng virtual chikahan sa FB Live with co-members in “That’s Entertainment” na umani ng maraming views.
I’m sure marami pa itong kasunod at malay natin at baka i-produce uli ni Harlene ang longest late night show ni Kuya Germs, na balitang iho-host daw ng Queen of All Media na si Kris Aquino.
By the way, narito ang ilan sa posted sweet messages ni Harlene para sa love na si Federico, “wanna make you smile whenever you’re sad, carry you around when your arthritis is bad, All I wanna do is grow old with you na punung-puno ng heart and smiley emoji and hashtag na #blessed #love #taktakroad.
Naku, kasalan na siguro ang kasunod nito.
***
Liza Javier Tinalo Ang Mga Sikat Na Radio Personality Sa Japan, “2020 Most Outstanding Radio Host” Sa 19th Annual Gawad Amerika Awards
Suki na ng GAWAD AMERIKA AWARDS, si Liza Javier na kilalang Deejay Musician sa Tokyo, Japan.
Yes, ilang parangal na mula 2015 (Most Outstanding Internet Radio Broadcaster of the Year at Global Internet Radio Broadcaster of the Year) noong 2016, 2017, at 2018 na wagi siyang Mrs. Gawad Amerika at nakasabay ang mga malalaking pangalan sa showbiz at pulitika.
Ngayong 2020 ay muling pararangalan si Liza sa 19th Annual Gawad Amerika Awards bilang “2020 Most Outstanding Radio Host in Tokyo, Japan” at ito ay dahil sa malaking kontribusyon niya sa broadcasting world.
Gaganapin sa Hollywood, California, USA ngayong November 21, 6 PM ang awarding at dadalo raw si Liza para personal na makuha uli ang kanyang tropeo.
“Thank you very much Gawad Amerika Award for this award. Congratulations to all my co-AWARDEES, at thank you very much, Kuya Sam Azurel, ang galing mo talaga ang ganda…Bravo !!!” pasasalamat pa ni Liza sa Gawad Amerika Awards na i-pinost nito sa kanyang FB account. Taong 2002 itinatag ang nasabing award giving body at ilang Kapamilya at Kapuso stars na ang nabigyang parangal dito.
Samantala, nais pasalamatan ni Liza ang dalawa sa kanyang beauty products sponsors na Ruby-Cell (Anti Aging) at regular din niyang ginagamit na RIWAY na very effective na pampaganda at pampaputi.
Yes, lalong tumingkad ang ganda ni Liza mula ng gamitin niya ang mga ito na ginawa na ring negosyo sa Online.
Patuloy na napakikinggan ang nasabing deejay singer sa kanyang programa sa TIRADABALITA.COM tuwing Lunes, Miyerkules, at Biyernes, 12 Midnight hanggang 2:00 AM, Philippine Time.