Advertisers

Advertisers

Estudyante pinatay habang kumakain ng bbq

0 325

Advertisers

Patay ang isang estudyante nang barilin sa ulo habang kumakain sa isang barbecue station sa Mlang, Cotabato nitong Miyerkules ng gabi.
Kinilala ang nasawi na si Aldrin Tangonan, Jr., 20-anyos, 3rd year student ng University of Southern Mindanao sa bayan ng Cotabato, at residente ng Brgy. Osias, Kabacan.
Sa ulat, kumakain lang sa nasabing barbecue station ang biktima kasama ang kaibigan nitong babae, nang biglang lapitan ng salarin.
Ayon kay Police Cpl. Ezra Noel Olegario, imbestigador ng Mlang Police Station, na tinitingnan pa nila ang relasyon ng kasamang babae ng biktima at ng salarin.
Napag-alaman na nanligaw ang hindi pa pinangalanang salarin sa babaeng kasama ni Tangonan.
Ayon kay Olegario, posibleng napagkamalan ng salarin na nobyo ng babae ang biktima.
“Hindi namin alam bakit siya pumunta ng Mlang, ang paalam niya matutulog siya sa bahay ng isang kaibigan sa Barangay Malamote (Kabacan). Pero nabasa namin sa Messenger ka-chat niya ‘yung isa niyang kaibigan na taga-Mlang at plano na pala niyang pumunta doon,” ani Robena Balanag, tiyahin at kapitbahay ng biktima.
Patuloy na tinutugis ang lalaki na nakilala base na rin sa pahayag ng babaeng kasama ng biktima at kuha ng CCTV.
Nakatakdang sampahan ng kasong murder ang salarin. (PFT team)