Advertisers
Hindi muna tatanggap ang Dr. Jose Fabella Memorial Hospital sa Sta. Cruz, Maynila ng bagong pasyente simula kahapon, Biyernes.
Ayon kay Dra. Diana Rose Cajipe, ang PIO chief ng ospital, ang “stop admission” ng Fabella Hospital ay dahil sa mga kaso ng COVID 19 sa ospital sa hanay ng kanilang health care workers.
Ayon pa kay Cajipe, pito sa mga doktor ang may Covid-19 pero pawang mga aysmptomatic.
Kabilang naman sa wala munang operasyon ay ang OB at pediatrics department, at kahit ang laboratoryo at x-ray ay pansamantalang tigil muna.
Inaasahan naman na magkakaroon ng COVID 19 mass testing sa mga medical frontliners ng Fabella Hospital, ayon kay Dra. Cajipe. Magsasagawa rin ng contact tracing.
Nilinaw naman ni Dra. Cajipe na hindi lockdown ang mangyayari sa Fabella Hospital, at sa halip ay hindi muna talaga sila makakatanggap ng mga bagong pasyente.
Ito ay para na rin sa kaligtasan ng mga medical frontliner nila at mga pasyente ng pagamutan.
Mag-aabiso na lamang umano ang Fabella kung kailan muling maaring tumanggap ng bagong mga pasyente.(Jocelyn Domenden)