Advertisers
Hawak na ng Caloocan police ang anim sa 13 preso na tumakas |Huwebes ng madaling araw sa Caloocan custodial facility.
Ayon kay Caloocan chief of police Col. Dario Menor, dahil sa pinaigting na metrowide manhunt operations kaya na-recapture ang anim na mga bilanggo.
Kinilala ni Menor ang mga naaresto na sina Reymark Delos Reyes, Harris Danacao, Mark Oliver Gamutia, Aldwin Jhoe Espila, Arnel Buccat at Reynaldo Bantiling.
Habang at-large pa rin hanggang sa ngayon sina Norberto Alvarez, HudsonJeng, Martin Mama, Jovel Toledo, Gerrymar Petila, Justine Tejeros at Raymond Balasa.
Ayon pa kay Menor, nagpapatuloy ang kanilang manhunt operation laban sa iba pang pugante.
Dahil dito pinalakas pa ang kanilang intelligence gathering para mahuli muli ang mga ito.
Nasa restrictive custody na rin sa ngayon ang dalawang pulis na nagbabantay sa nasabing custodial facility habang isinasagawa ang imbestigasyon.
Ang pamunuan na ng Northern Police District (NPD) sa pamumuno ni B/Gen. Ronnie Ylagan ang nagsasagawa ngayon ng imbestigasyon para matukoy kung may lapses sa hanay ng PNP dahilan para makatakas ang 13 mga inmates.
Tumutulong na rin ngayon ang lahat ng mga city police stations sa Metro Manila sa pagtugis sa pito pang preso na at-large.(PFT team)