Advertisers
WALANG isasagawang mga “Christmas party” ang lokal na pamahalaan ng Maynila.
Ayon kay Manila Mayor Isko Moreno, hindi lamang ito ipatutupad sa lokal na pamahalaan kundi maging sa mga pribadong tangggapan.
Sinabi ng alkalde na nakakalungkot pero hindi ito maaring isagawa dahil na rin sa patuloy na banta ng COVID19.
Sa halip na gugulin ang pondo sa mga “Christmas party” mas makabubuti na ibigay na lamang ito sa mga nangangailangan o kaya ay ilaan sa mga pangangailangan ng mga empleyado. (ANDI GARCIA)