Advertisers

Advertisers

Traffic enforcer patay sa ambush ng NPA

0 252

Advertisers

HINULUGAN ng lambat ang daraanan ng isang traffic enforcer at pinagbabaril ng mga hinihinalang kasapi ng New People’s Army (NPA) sa Escalante City, Negros Occidental.

Kinilala ang biktima na si Julieto Limbaga, 45, dating miyembro ng CAFGU at residente ng Proper Paitan, Baragay Paitan, Escalante City.

Sa report, 7:30 ng umaga ng Oktubre 21, naganap ang krimen sa Sitio Sambulong 1, Brgy. Paitan.



Ayon sa ulat, sakay ang biktima sa kanyang motorsiklo at pagsapit sa nasabing lugar, bigla itong hinulugan ng lambat at pinaulanan ng bala ng M16 rifle at 9mm, at mabilis na tumakas ang mga salarin sa bulubunduking bahagi ng lugar.

Inaalam pa ang tunay na motibo sa krimen at pagkakakilanlan sa mga salarin. (PFT team)