Advertisers
By Archie Liao
SA Setyembre sa susunod na taon nakatakda ang kasal ni Kris Bernal.
Dahil panahon daw ng pandemya, may pagbabago sa plano nila ng kanyang boyfriend na si Perry Choi.
Sa halip na magarbo ang wedding, magiging simple lamang daw ito.
Iyong matitipid daw ay gagamitin nila sa pagpapatayo ng bahay ng kanyang future husband.
Pero, isang bagay daw ang hindi pumayag ang aktres: ang tipirin ang kanyang wedding gown.
Aniya, kahit man lang sa gown siya bumawi nang bonggang-bongga dahil hirit niya, minsan lang naman ikasal ang isang babae sa kanyang tanang buhay.
Kamakailan, naging usap-usapan ang aktres nang aminin niyang na-depressed siya nang hindi i-renew ng GMA-7 ang kanyang kontrata bilang artist.
Umiyak din siya sa kanyang vlog dahil nakatanggap siya ng katakut-takot na batikos at insult sa kanyang pagkatao mula sa netizens.
***
Baron bad boy no more
Humamig ng iba’t ibang reaksyon ang balitang ibinahagi ni Baron Geisler sa kanyang Instagram post tungkol sa pagsabak sa training sa Philippine Navy para maging military reservist.
Si Baron kasi ang isa sa tinaguriang bad boys sa showbiz dahil sa mga kontrobersya niyang pinasok noon na naging tatak ang kanyang pagiging lasenggero at takaw-gulo.
Sa post niya, kasama niya ang ilang 511th Squadron Reserve sa Cebu City.
Para sa actor, ang pagpasok niya sa Navy ay isang malaking blessing.
Caption ng kanyang post: “My day was such a blessing. Thank you, Abba Father for leading and guiding me to the right path.My Life is purposed to serve YOU and the people I meet on this journey. Thank you for protecting me and my family. I love You!”
Marami naman ang natuwa dahil tila tumino na raw ang actor mula nang lumagay ito sa tahimik at nahanap ang tamang daan.
Ito ang ilan sa kanilang komento:
“God bless you.. Still you choose the right path at the end of the day for sure god will bless you even more. Goodluck and godbless.”
“The bad boy himself baron has its choice for choosing the right decision for his life. May our creator guide you in all your journey in life. Godbless.”
“After too many second chances, I hope that you make good on this one and move forward to a better version of yourself. God is good. God bless you”
“Everybody deserves a chance or more. As long as they’re living life will offer them chances to do good and to be good.”
“People who wanted to change for the better deserve chances. After the rough path…i hope he already found peace.”
Meron namang ibang detractors na nagsabing ningas-kugon lang daw ang pagbabago ng actor.