Advertisers

Advertisers

Pamamahagi ng SAP 2 tatapusin ngayong Oktubre – DSWD

0 238

Advertisers

TINATARGET ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) na tapusin na ang pamamahagi ng cash aid sa ilalim ng Social Amelioration Program tranche 2 bago matapos ang buwan ng Oktubre.
Ayon kay DSWD Usec. Glen Paje, sa ngayon ay nakapamahagi na sila ng P5,000 hanggang P8,000 tulong pinansyal sa 13.9 million na mga beneficiaries o P83.5 billion mula sa kabuuang 14.1 million mga benepisyaryo.
Saad pa ni Paje, nagiging problema sa ngayon sa pamamahagi ng ayuda ay ang duplication, mali-maling impormasyong inilagay ng mga benepisyaryo gaya ng hindi tamang cellphone numbers gayundin ang mga lugar na isolated o malayo sa kabihasnan.
Pero sa ngayon, nasa 98 % na umano ang kanilang accomplishment rate at umaasang matatapos bago sumapit ang Nobyembre.
Giit pa ni Paje na pinaghahandaan na rin umano nila ngayon ang mga programa at magiging implementasyon nito sa ilalim ng Bayanihan 2. (Josephine Patricio)