Advertisers

Advertisers

MALING PRAYORIDAD

0 695

Advertisers

WALANG murang pabahay sa Filipnas. Hindi iyan totoo. Sinuman sa mga pulitiko ang magsalita tungkol sa konsepto ng murang pabahay ay nambobola lamang – o nanloloko ng mga botante. Tanggap ng bansa na malaking gastos ang magkaroon ng sariling bubong. Mahirap tanggapin ang katotohanan na ang pabahay ay hindi prayoridad ng gobyerno ni Rodrigo Duterte.

Halos pitong milyon ang backlog sa pabahay sa bansa. Ang ibig sabihin ay halos pitong milyong pamilya ang walang bubungan sa ilalim ng kanilang mga ulo. Pawang nakikitira lamang sila. Marami sa kanila ay ang tinatawag na informal settler, o iskuwater, sa madaling salita.

Upang mapabilis ang programa sa pabahay (kung mayroon man), itinatag ng gobyerno ni Duterte ang Department of Human Settlement and Urban Renewal. Kasama sa mandato ng bagong sangay ng pamahalaan ang pagsasaayos ng programa sa pabahay. Agresibong pabahay sa masa, sa maikling salita.



Ngunit masdan ang budget ng bagong sangay ng pamahalaan. Sa ilalim na national expenture program ng P4.5 trilyon na panukalang pambansang budget sa 2021, mayroon lamang itinakdang budget ng P4 bilyon para sa pabahay. Kinakatawan nito ang .08 porsyento ng buong pambansang budget. Wala pang isang porsyento ang programa sa pabahay sa national budget.

Hindi maialis kay Senate Minority Leader Franklin Drilon ang magsalita sa prayoridad ng gobyerno. Kasi nga naman, napalaki ang inilaan sa intelligence at confidential fund ng Ehekutibo; aabot ito sa P9.6 bilyon. Mas malaki ang nakalaan sa National Task Force to End Local Communist Armed Conflict – P19.3 bilyon, kahit hindi malinaw kung ano ang pakay at hangarin ng task force.

Ang nakakagulat ay hindi inilagay ang anumang breakdown ng mga gastusin sa confidential fund at task force. Pawang lump sum lamang. Mga budget sa dilim, wika nga. Nakatago sa dilim ang mga gugugol.

Hindi listahan ng mga gastos ng gobyerno ang pambansang budget. Sinasalamin ng pambansang budget ang public policy ng bansa. Masisilip sa pambansang budget ang mga prayoridad at hindi prayoridad. Mas malaki ang gugulin, mas prayoridad ito.

Pinakamalaki at pinakaunang prayoridad ang edukasyon ng mga kabataan. Ito ang dahilan kung bakit ang edukasyon ang may pinakamalaking gugulin sa pambansang budget. Hindi maaaring lampaan ng ibang gugulin tulad ng tanggulang bansa ang edukasyon.



Sapagkat maliit lamang ang nakalaan para sa mga programa sa bahay, nangangahulugan na hindi ito prayoridad. Mas prayoridad ang ibang bagay. Kesehoda kung mamatay sa lamig ang mga mahihirap nating kababayan.

Hindi nagtatapos sa mababang prayoridad ang usapin ng pabahay. Masisilip din sa pambansang budget na walang inilaan na budget para sa mga naging biktima ng mga kalamidad tulad ng pagputok ng Bulkang Taal sa Batangas, lindol at bagyo sa Mindanao, at iba pa. Hindi prayoridad ang kanilang pagbangon mula sa kalamidad. Hindi alam ng gobyerno ng konsepto ng rehabilitasyon.

***

WALANG usapin na pambansang seguridad pagdating sa China. Tinatanggap ng gobyerno ni Duterte ang China ng walang anumang hadlang. Ito ang tinuran ni Roger Rueda, isang netizen, tungkol sa kagulat-gulat na balita na pinayagan ng gobyerno ang pagpasok at pamamalagi ng 28,000 Intsik sa bansa. Mga “retirees” umano ang mga Intsik kahit may edad sila ng 35-anyos lang ang ilan.

“Invasion,” o paglusob ang biglang pagdagsa ng mga Intsik sa bansa. Hindi ito nalalayo sa ginawa ng mga Hapones bago sumiklab ang Ikalawang Digmaang Pandaigdigan. Bigla silang dumami at nang magkagiyera, bigla silang nagsuot ng uniporme ng mga sundalong Hapones. Sila pala ang advanced party. Sila ang bantay salakay.

Maraming katanungan tungkol sa biglaang pagdagsa ng mga retiradong Intsik sa bansa. Sa totoo, hindi namin nakikita kung ano ang kanilang silbi sa bansa natin. Sila ang nakikinabang at hindi tayo. Bahagi ba sila ng programa ng gobyerno na humihikayat sa kanilang pagdating at pamamalagi sa Filipinas? Ano naman ang mapapala natin sa kanilang pagdagsa.

Sa ganang amin, security threat ang mga Intsik. Kapag hindi pinigil ang mga Intsik, baka sila pa ang pagmulan ng gulo. At hindi ba security threat din naman si Rodrigo Duterte? Taksil ang tingin sa kanya ng maraming Filipino.

***

MAY post si Aurelio Servando, isang netizen, tungkol sa mga alagad ng Simbahan na sumusuporta kay Duterte. Pakibasa:

“I admire people who devote their lives to serving God by becoming “full-time” members of a Christian church. We need more to follow their paths. But, sad to say, some of them are quick to dismiss our criticisms against Duterte as “negativity”. Like they believe there are better ways of spending our time. Worse, because they know something about our pasts, some think we have no right to cast stones at his administration.

“Have these people ever thought, that if only unblemished persons have the right to be critical, nobody is qualified to preach? Because preaching is pointing out what is wrong and leading us to the right way.

And if they reason that pastors may have been sinners but are now leading righteous lives, has it never crossed their minds that the same high moral standards of living they expect from a pastor should be demanded from a political leader?”

***

KUNG kami ang tatanungin, dapat mayroon ng public policy na nagbabawal sa mga pulitiko na maging sports leader. Hindi sila dapat pumalaot sa larangan ng palakasan dahil dala-dala nila ang kanilang maruruming kostumbre sa palakasan. Ang mga pulitikong nagpapanggap na sports leader ang korap sa mga idinadaos na palaro.

Silipin ang nakalipas na Southeast Asian Games na idinaos sa Filipinas. Grupo ni dating Ispiker Alan Peter Cayetano ang nangasiwa at nagpatakbo ng 2019 SEAG. Ito ang PhisGoc, o Philippine Southeast Asian Games Organizing Committee.

Hanggang ngayon, hindi pa nagsusumite ang Phisgoc ng anumang ulat pinansiyal sa Philippine Sports Commission (PSC) at Philippine Olympic Committee (POC). Walong buwan na ang pagkabalam, ngunit mukhang pinapaboran pa ni POC president Bambol Tolentino ang kalokohan na ginagawa ni Cayetano, na chairman ng Phisgoc.

Magkaibigan matalik si Bambol at Alan Peter. Parehong may reputasyon sa pagiging korap. Si Bambol ang chairman ng committee on accounts noong ispiker pa si Alan Peter. Kontrolado ni Bambol ang pondo ng Kamara de Representante. Kinuha na ito ni Kin. Paolo Duterte nang maupo si Ispiker Lord Allan Velasco.

May mga paratang ng proteksyon ni Bambol hanggang maaari, hindi inobliga ni Bambol si Cayetano na magsumite ng financial report. Tila ipinikit ni Bambol ang dalawang mata sa probisyon ng kasunduan. Pumalag ang isang paksyon ng mga sports leader sa POC at nagkasundo ang POC Executive Board na pilitin ang grupo ni Cayetano na isumite ang financial report.

Mabuti na lamang at sinalungat ng POC Executive Board si Bambol na walang magawa sa pagpupumilit na isumite ang financial eport ng Phisgoc. Kaya nga dapat sipain ang mga pulitiko sa larangan ng sports. Wala silang silbi.

***

MGA PILING SALITA: “When he uses “dilawan” to refer to pro-democracy guys, you can be sure he’s one of the fanatics. Don’t engage. Avoid. Block him.” Artemio Bendicion, netizen

“If you have millions of brainless minions, that’s not influence but pestilence!” – Ogie Rosa, netizen