Advertisers

Advertisers

Lider na business conglomerate, sagot sa problema ng kahirapan sa bansa

0 394

Advertisers

BUNSOD ng giyera ng administrasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte laban sa mga piling business elite at oligarko sa bansa ilang negosyante at professional naman ang nagsusulong para patakbuhin si Ramon S. Ang bilang presidente.
Ilang negosyante at professional ang naniniwala na malutas ni Ang ang kahirapan at kagutuman sa bansa ang may kontrol ng conglomerate ng San Miguel Corporation at ang Eagle Cement Corporation.
Ayon sa ulat, si Ang na itinuturing na 11th richest man sa Pilipinas na inilabas nitong Hunyo 2017, base sa Forbes data katulad ng ibang tycoons at business families.
Sinabi ni John Raña isang negosyante at dating opisyal ng Philippine National Bank (PNB) at Director ng DENR naniniwala siya na malaki ang magagawa ni Ang para malutas ang problema ng bansa sa kahirapan at kawalan ng trabaho.
Nabatid sa katatapos na convenor group ng multi sectoral group sa Quezon City sinabi ni Raña na nagsusulong para kay Ang na tumakbong Pangulo ng bansa ay dahil sa kanyang malawak na karanasan sa pagnenegosyo.
Ayon pa dito sa dami ng mga problema na kinakaharap ng bansa kabilang ang problema sa subersyon sa mga makakaliwang grupo, kawalan ng hustisya at problema sa ekonomiya, at korupsyon at kawalan ng trabaho .
Kaugnay nito sinabi naman ni Pablito Alcover, chairman and president ng Senior Citizens Expanded New Association and Coalition of the Philippine (SCENAC Phils. Inc) lumalakas umano ang pagnanais ng publiko para tumakbong presidente si Ramon Ang dahil sa malawak na karanasan nito sa pagnenegosyona muling makabangon ang bansa dulot ng pandemya.(Boy Celario)