Advertisers

Advertisers

DOH: Private labs sasaluhin ang COVID-19 tests na tinigil ng Red Cross

0 234

Advertisers

KASUNOD ng pagpapatigil ng Philippine Red Cross (PRC) sa pagtanggap ng mga specimen at swab testing sa mga kasama sa expanded guidelines ng Department of Health (DOH) ay may pribadong laboratoryo naman umano ang nagpahayag ng kanilang pagsuporta sa gobyerno.
Sa virtual media forum, pinasalamatan at kinikilala ni Health Usec. Maria Rosario ang kagustuhang makatulong na tumanggap ng mga specimen ng Covid-19 swab test ng nasabing mga pribadong laboratoryo.
Kabilang dito ang Biopath Clinical Diagnostics Inc. in Makati, E. Rodriguez, Cebu, AFRIMS, Macacare Medical Inc., First Aide Diagnostic Centre, Detoxicare Molecular Diagnostics Laboratory, Philippine Airport Diagnostic Laboratory, The Lord’s Grace Medical at Industrial Clinic.
Ayon sa opisyal nakikipag-ugnayan na ang DOH sa naturang mga pribadong laboratoryo.
Bukod dito, may natukoy na rin umano ang DOH na 11 pang government laboratories na sasalo pansamantala sa mga specimen na hindi tatanggapin ng PRC.
Aminado naman si Vergeire na naapektuhan ang DOH sa biglang pagpapatigil ng PRC sa pagtanggap ng mga specimen ng Covid-19 swab test kaya agad silang naghanap ng malalaking laboratories sa kanilang network.
Aniya malaki ang naitutulong ng PRC sa daily outputs ng laboratory kaya malaki rin ang naging epekto nito sa DOH. (Jocelyn Domenden/Andi Garcia)