Advertisers

Advertisers

Covid update: 843 gumaling; 38 nasawi; 1,664 bagong kaso

0 185

Advertisers

NASA 363,888 ang kabuuang bilang ng mga kaso ng covid-19 sa bansa matapos makapagtala ang Department of Health (DOH) ng bagong 1,664 infection base sa pinakahuling ulat ganap na alas-4 ng hapon nitong Huwebes, Oktubre 22.
Mayorya ng mga bagong kaso ay mula pa rin sa NCR na umabot sa 438, Region 4A na may 235 at Region 6 na may 170.
Nakapagtala naman ang DOH ng 843 na bagong gumaling mula sa covid-19. Dahil dito nasa kabuuang 312,333 na ang mga gumaling.
Nakapagtala rin ang DOH ng 38 na bagong nasawi dahil sa virus na ngayon ay nasa 6,783 na ang kabuuan.
May 19 duplicates naman na tinanggal sa total case count. Lima dito ay recovered cases at dalawa ang namatay at inalis na sa case count.
Samantala may 11 na kaso na naunang inulat na gumaling pero ito ay reclassified na namatay. (Andi Garcia/Jocelyn Domenden)