Advertisers
Ni DANNY SIMON
MAGTUTUNGGALI sa single round robin random chess ang mga batikang chess players mula Mindanao sa pagsulong bukas (Oktubre 24) ng 1st Mindanao Inter-Regional Online Chess Team Cham-pionship.
Susundan ito kinabukasan (Linggo) ng standard play ng buwenamanong chess event for a cause para sa Mindanaoans.
Anim na chess teams mula southern island ng bansa ang magtatagisanan sa inisyal na sulungang may laang tumataginting na P100k kabuuang premyo.
Bahagi ng prize fund ng ‘advocacy event’ ay ihahandog para sa mga dating Chess Olympians na produkto ng Lupang Pangako.
Ang mga koponang kalahok at kanilang team captains ay ang mga sumusunod: Region 9 Zamboanga Caballeros (team captain Rey Reyes); Region 10 X-Men – team skipper Fr. Vic Arellano; Region 11 Davao Chess Eagles (James Infiesto); Region 12 Sox Warriors sa pamumuno ni Joselito Dormitorio; Region 13 CARAGA Miners at Cotabato City BARMM Kutawato Vanguards (Salvador Navarro).
Bawat koponan ay binubuo ng 10 executives and 10 regular players na may 5 reserves kada-team
“Sox Warriors will be playing under the banner of Ang Bagong Koronadal under the leadership of Koronadal City Mayor Eliordo U. Ogena,” wika ni captain Dormitorio.