Advertisers

Advertisers

19-anyos patay sa away-trapiko

0 362

Advertisers

PATAY ang isang lalaki at sugatan ang kaniyang pinsan dahil sa away-trapiko sa Rosario, Cavite.
Kinilala ang nasawi na si Gregorio “Jeric” Bunio, 19 anyos; at sugatan ang kanyang kamag-anak na si Junie Catapang.
Ang salarin ay kinilalang si Edwin Lontoc Jr., residente ng Kawit, Cavite.
Sa ulat, bibili sana ng cake si Bunio bilang pasasalamat para sa kanyang supervisor nang ma-promote ito sa trabaho nang mabaril sa parking lot ng isang restaurant.
Ayon sa report, nasagi ng naka-kotseng salarin ang mga biktima na noo’y sakay ng motorsiklo. Pero imbes na mag-sorry ang nakasagi, pinagmumura pa nito ang mag-pinsan.
At kahit hindi na naman umimik ang dalawa, pinagbabaril parin sila ng salarin gamit ang caliber 45.
Ayon sa pulisya, kilalang siga at mahilig manutok ng baril si Lontoc, na kasalukuyan nang pinaghahanap ng otoridad.(Irine Gascon)