Advertisers

Advertisers

Tyronn Lue bagong head coach ng Clippers

0 173

Advertisers

INANUNSYO ng Los Angeles Clippers ang pagkuha nila kay Tyronn Lue bilang bagong head coach ng koponan.
Una nang lumutang ang naturang isyu noon pang nakaraang linggo.
Pero ang team ay nagtakda ng schedule ngayong umaga para iharap si Lue sa mga mamamahayag.
“We found that the best choice for our team was already in our building,” bahagi pa ng statement ng Clippers. “As head coach, Ty will put a unique imprint on the organization, and drive us to new heights.”
Kung maaalala si Lue ang assistant coach ni Doc Rivers.
Pero sinibak si Rivers matapos madiskarel ang kanilang 3-1 lead sa Nuggets.
Agad din namang kinuha si Rivers ng Sixers bilang kanilang bagong coach.
Nagposte si Lue ng 128-83 record sa loob ng apat na seasons sa Cleveland.
“We have work to do to become champions, but we have the motivation, the tools, and the support to get there,” ani Lue sa kanyang pahayag. “I’m excited to get started.”
Ang 43-anyos na si Lue ay dati nang head coach ng Cleveland Cavaliers nang magkampeon sila kasama si LeBron James noong taong 2016.