Advertisers
To enforce the law, to prevent and control crimes, to maintain peace and order, and to ensure public safety and internal security with the active support of the community. — PNP Mission
PASAKALYE
Text Message . . .
Ganda ng mga balita sa mga magigiting nating kapulisan. Bravo! Parak na gamit ang carnap na kotse, sibak sa puwesto lang? Selosang pulis hinabol at pinutukan ang kabaro; hindi pera ang pinag-awayan dito. At ito ang matindi, police brutality sa CALAMBA pinaiimbestigahan; kahit walang warrant of arrest o search warrant, ang lakas ng loob na tumira ang mga ito kaya limas ang ari-arian ng biktima . . . Lahat ng kawalanghiyaan nasa PNP na ‘di ba Cheap PNP CASH-COLAN at Gen. SIN-ASS. Juan po. — Juan ng Tondo (09094818…, October 19, 2020)
Text message . . .
Saludo ako sa pulis Pangasinan na nagsauli ng PhP3 milyong halaga ng mga alahas at pera. Iyan ang dapat na maging CHIEF NG PNP. Tiyak titino na mga pulis at baka mawala na (ang) mga iligal na gawain. Hindi mukhang pera at patay-gutom sa pera. Kung ako ang PANGULO, 3-star general na ‘yan, at sa pagpapalit ng Chief PNP siya na agad ang ipapalit ko . . . Anak ng pating, ilang taon na tayong nagbabasa ng Police Files Tonite e mabibilang mo sa daliri ang ganitong pulis . . . Mabuhay ka Cpl. MAROLD CABRERA. Sana tularan ka ng mga kabaro mo—may takot sa Panginoon. Ikaw ang isa sa matinong pulis na tunay ang serbisyo at paglilingkod sa mamamayan. Kayo(ng) mga gagong pulis, ano’ng say n’yo? Mahiya kayo! Juan po. — Juan ng Tondo (09094818…, October 20, 2020)
* * *
DALAWANG mensahe mula sa iisang tao—ang una’y banat sa mga PULIS PATOLA at ang huli nama’y papuri sa isang PULIS PROBINSYA. Tunay ngang iilan lang ang mga pulis na masasabing tiwali at gago. Ang dahilan ay hindi pa kasi nahuhuli sa akto ang katulad nilang matakaw sa pera kaya pasok sila sa mga iligal na gawain.
* * *
PARA sa inyong komento o suhestyon, reklamo o kahilingan, magpadala lamang ng mensahe o impormasyon sa aking email na filespolice@yahoo.com.ph o dili kaya’y i-text n’yo na lang ako sa aking cellphone numbers na 09054292382 para sa Globe at 09391252568 para sa Smart. Salamat po!