Advertisers

Advertisers

PBA: Aces pinulbos ang Blackwater 120-82

0 171

Advertisers

Laro Ngayon
AUF Gym
(4:00PM) TNT vs Blackwater
(6:45PM) Alaska
vs Rain or Shine

 

PINULBOS ng Alaska Aces ang Blackwater Elite 120-82 sa nagpapatuloy na PBA Philippine Cup na ginanap sa AUF Gym sa Angeles City, Pampanga.
Mula sa pagsisimula ng laro ay hawak na ng Aces ang kalamangan at hindi na nakahabol pa ang pang Blackwater.
Bumida sa panalo si Barkley Ebona na nagtala ng 24 points habang mayroong 21 points si Robbie Herdon at 11 points, seven rebounds at seven assists naman ang naitala ni Jeron Teng.
Nag-ambag naman ng 16 points si Vic Manuel, 14 points kay Abu Tratter at 12 points naman kay Mike DiGregorio.
Hanga naman si Aces coach Jeff Cariaso dahil bawat laro ay malaki ang kanilang improvements.
Dahil sa malaking panalo, ang Alaska ay umangat sa 2-2 record sa 2020 PBA Philippine Cup, habang ang Elite ay nalaglag sa 2-2 sa bubble, Ed Daquioag umiskor ng 18 points para sa Blackwater.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">