Mga mahihirap at vulnerable sectors, unahin sa bakuna – Bong Go
COVID-19 vaccine asahan sa Abril 2021
Advertisers
KASUNOD ng paglalatag ng Department of Health ng timeline para sa vaccine trial para sa COVID-19, ipinaalala ni Senate Committee on Health Chairman Senator Christopher “Bong” Go na dapat unahin ang mga mahihirap at vulnerable sectors oras na available na ang bakuna.
Ipinaliwanag ni Go na tulad ng sinabi ni Pangulong Rodrigo Duterte, kailangang mauna ang mga mahihirap dahil sila ang mga kailangang lumabas para makapaghanap-buhay.
Agad naman tumugon si Health Secretary Francisco Duque sa pahayag ni Go at sinabing kabilang sa mga uunahin ang mga health workers, frontliners, mahihirap at maging ang mga uniformed personnel ng pamahalaan kabilang ang AFP at PNP.
Tiniyak din ni Duque na patuloy ang koordinasyon nila sa World Health Organization para sa pag-develop ng vaccine habang natukoy na din nila ang mga lugar at ospital na magagamit para sa phase 3 ng clinical trials.
Sa pagdinig, tinanong din ni Go si Duque hinggil sa update sa clinical trial at ano ang mga requirements para sa mga gustong sumali sa trial.
Base naman sa pagtatanong ni Go kung kailan inaasahang mabubuo ang COVID-19 vaccine, sinabi ni Duque na inaasahan ang bakuna sa April 2021. (Mylene Alfonso)