MERALCO, GINARANTIYA ANG LIGTAS AT SAPAT NA SUPLAY NG KURYENTE SA MGA BAGONG COVID-19 FACILITIES NG MARIKINA CITY
Advertisers
Pinailawan ng Meralco ang dalawang bagong quarantine at treatment centers ng Marikina City para tulungan ang naturang lungsod sa kanilang walang humpay na laban sa pandemyang COVID-19. Nagkabit ng mga bagong metering facilities, apatnapung (40) metro ng secondary service wires, at apat (4) na distribution transformers upang mapailawan ang mga quarantine at treatment facilities ng Marikina Disaster Risk Reduction Management Office pati na rin ang isang Department of Public Works and Highways (DPWH) – funded na isolation facility. Dahil sa pagkumpleto ng mga priority projects na ito, makasisiguro ang mga frontliners, pasyente, at medical staff ng mga bagong facilities na ito sa tuloy-tuloy at maaasahang serbisyo ng kuryente.