Advertisers
PATULOY ang Department of Health (DOH) sa libreng serbisong medikal sa hanay ng mga boxers at mixed martial arts fighters na nasa pangangasiwaan ng Games and Amusements Board (GAB).
Sa inilabas na Department Memorandum No. 2020-0445 ni DOH Secretary Francisco Duque III na may petsang Oktubre 16, 2020, magpapatuloy ang pagbibigay ng libreng serbisyong medical sa lahat ng GAB-licensed boxers at MMA fighters hanggang Disyembre 31, 2020 o mas maaga depende sa bagong mapagkakasunduang Memorandum of Agreement (MOA) sa pagitan ng DOH at GAB.
“Relative to the expiration of the DOH-GAB MOA on August 15, 2020 and upon the request of GAB due to the effects of COVID-19 pandemic to their professional careers, the 28 selected DOH hospitals, three (3) specialty hospitals, and other pertinent DOH offices as enumerated in A.O No. 2019-0006 are herby directed to continue the provision of free services to boxing and mixed martial arts professionals based on the said issuance until December 31, 2020 or earlier should a new MOA comes into effect. Provision of services shall still be guided by the aforementioned issuance,” ayon sa inila-bas na memo ni Duque.
Malugod na pinapurihan ni GAB Chairman Abraham ‘Baham’ Mitra ang kagyat na pagtugon ng DOH, higit sa panahon na lugmok ang professional sports, kabilang ang komunidad ng boxing at MMA dahil sa pandemic.
“Malaging bagay ito para sa ating mga atleta. Nagsisimula pa lamang magbukas ang pro sports at ang pagbabalik ng mga promotion at tapik sa balikat para sa kabuhayan ng ating mga boxers at MMA fighters. Dahil libre ang kanilang medical, masisiguro ng mga atleta na yung makukuha nilang premyo at mailalaan lamang nila para sa kabuhayan ng pamilya,” pahayag ni Mitra.
Ang libreng medical para sa boxers at MMA fighters ay isinulong ng GAB bilang bahagi ng reporma sa programa ng ahensiya simula nang mailuklok si Mitra sa GAB ng Pangulong Duterte, katuwang sina Commissioners Mar Masanguid at Ed Trinidad nitong 2016. Isang taon ang nakalipas, tinanghal na Commission of the Year ang GAB ng prestihiyoso at pinakamalaking boxing body sa mundo na World Boxing Council (WBC).(Danny Simon)