Advertisers

Advertisers

Enchong tinawag na ‘walang puso’ at ‘boba’ si MMDA Spox Pialago

0 233

Advertisers

Ni ARCHIE LIAO

BINANATAN ni Enchong Dee ang MMDA spokesperson na si Celine Pialago kaugnay ng naging pahayag nito sa mga sympathizer ni Reina Mae Nacino.

Si Reina Mae ay isang aktibista na nakulong noong Nobyembre, 2019.



Noong manganak siya kay Baby River, nawalay siya sa anak na namatay dahil  sa acute respiratory distress syndrome.

Dahil nasa kustodiya ng pulis, binigyan ng tatlong araw si Reina Mae para makapiling ang anak sa lamay at libing nito.

Marami ang nadurog ang puso dahil guwardiyado ng mga pulis at nakaposas  ang nasabing rebelde sa libing ng kanyang anak.

Sa paghahatid sa huling hantungan, hindi man lang ito binigyan ng pagkakataong mahawakan ang kanyang anak.

Sa netizens na naaawa sa mag-ina, nagbigay ng pahayag ang MMDA spokesperson sa kanyang social media account.



“Walang kinalaman sa traffic itong sasabihin ko, pero sa tingin ko, kailangang gamitin ko ang boses ko bilang isang Pilipino sa usaping ito.

“Hindi lahat ng inang nakakulong ay nakapunta sa libing ng kanyang anak. Kaya iyong mga sumisimpatiya kay Reina Mae Nasino, pag-aralan ‘nyo mabuti ang dahilan bakit siya nakulong at kilalanin ‘nyong mabuti kung sino siya sa lipunan,” aniya.

“Masyado ninyong ginagawang pang-drama serye sa hapon ang paghihinagpis niya. Tigilan ‘nyo!,” dugtong niya.

Hindi naman pinalampas ni Enchong ang  umano’y careless na pahayag ng dating beauty queen.

“This person is Heartless and Unintelligent. Ilagay mo ang sarili mo sa kalagayan ng isang ina at mangyari to sayo. Bilang isang tao… ok lang talaga sayo??,” ani Enchong.

Dahil dito, umani ng suporta si Enchong samantalang si Pialago ay kinuyog ng bashers.