Advertisers

Advertisers

2 PANG QUARANTINE FACILITIES BINUKSAN NI ISKO

Paghahanda sa 2nd wave ng covid:

0 432

Advertisers

BILANG preparasyon sa posibleng pagtaas ng bilang ng kaso ng COVID-19, dahil sa unti-unting pagluwag ng mga ipinatutupad na community quarantine, ay dalawa pang karagdagang quarantine facilities na may mas malaking kapasidad at mas pinaganda ang magsisimula ng mag-operate sa lungsod sa linggong ito.

Ito ang anunsyo ni Manila Mayor Isko Moreno makaraang pangunahan nila Vice Mayor Honey Lacuna ang inagurasyon ng pinalawak na San Andres Sports Complex quarantine facility, na susundan pa ng pagbubukas ng katulad ding pasilidad sa Pamantasan ng Lungsod ng Maynila (PLM) sa Huwebes, Oct. 22. Ang dalawang quarantine facilities ay mayroong kabuuang 100 bed capacity.

Sinabi ni Moreno na magpapasalamat siya ng marami kung hindi na magagamit ang mga nasabing pasilidad, na ang ibig sabihin lamang ay ligtas na ang mamamayan ng lungsod sa coronavirus. Gayunman, iginiit niya na kailangan pa rin paghandaan ang mga posibleng masasaklap na kaganapan.



Habang ang pamahalaan ay nagbibigay ng kaluwagan sa komunidad bilang paraan ng pagpapasigla sa ekonomiya at upang maibalik ang trabaho ng karamihan na nawalan ng kabuhayan bunga ng pandemya, sinabi ni Moreno na kailangang may kahandaan ang panig ng pamahalaang lokal sakaling magkaroon muli ng pagtaas sa kaso ng coronavirus na laging isang posibilidad.

Kapuna-puna ayon sa alkalde ang madalas na nagiging kapabayaan ng publiko at kinakalimutan ang pag-iingat dahil sa tinatamasang kaluwagan sa kanilang mga pagkilos sa labas ng tahanan, dahil dito ay muling nagpaalala si Moreno na sa lahat ng mga taga-Maynila na ang nakamamatay na virus ay nanatiling nasa paligid, at bilang katibayan ay ang nangyari sa mga bansa sa Europe, Spain at Argentina kung saan ay nakakaranas ngayon ng second wave ng COVID-19.

“We do not want a second wave. In fact, how I wish na hindi magamit ang mga quarantine facilities natin but we have to be ready in case it happens and I hope everyone joins me in praying na hindi nga ito mangyari by keeping safety in mind,” ayon kay Moreno.

Sinabi pa ng alkalde na may pangangailangan na balansehin ang buhay at ang kabuhayan at habang binubuksan ng lungsod ang ekonomiya ng paunti-unti ay umapela siya sa publiko na magbabalik trabaho na sumunod sa itinakdang basic health protocols na 3W’s —wear your face mask, wash your hands at watch your distance. (Andi Garcia)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">