Advertisers

Advertisers

Task Force vs korap sa DPWH binuo

0 282

Advertisers

PARA maimbestigahan ang katiwalian sa Department of Public Works and Highways (DPWH) ay bumuo na ng Task Force si Secretary Mark Villar kasunod na rin ng naging pahayag ng Pangulong Rodrigo Duterte na talamak pa rin ang katiwalian sa ahensya.
Ang Task Force Against Graft and Corruption na nilagdaan ng kalihim ay pamumunuan nina DPWH Asec. Mel John Verzosa bilang chairperson at Dir. Gliricidia Tumaliuan-Ali bilang Vice Chairperson.
Magiging miyembro naman ng team sina Michael Villafranca, Andro Santiago at Ken Edward Sta. Rita.
Sa kanyang kautusan, pinaiimbestigahan na ni Villar sa binuong Task Force ang mga anomalya na posibleng kinasasangkutan ng mga opisyal at empleyado ng ahensya.
Magsusumite naman ng rekomendasyon ang Task Force sa kalihim para sa karampatang aksyon sa mga tiwaling kawani at opisyal.
Una nang sinabi ng Pangulo na talamak ang korupsyon sa DPWH partikular sa mga project engineer at contractor.
Naniniwala naman ang Pangulo na hindi sangkot ang kalihim sa katiwalian sa departamento. (Jocelyn Domenden)