Advertisers

Advertisers

Sarah umamin, tumanda nang mag-asawa

0 262

Advertisers

Ni JOVI LLOZA

SA 20 years ng Popstar Royalty na si Sarah Geronimo sa showbiz,  now lang daw nangyari sa buhay at first time lang, take note, na siya na ang nagba-budget sa pang-araw-araw nila ng mister na si Matteo Guidicelli.

Dati kasi ay ang ina ni Sarah na si Mommy Divine ang nag-aasikaso ng lahat. Nang mag-asawa ay siya na talaga ang nag-aayos ng mga kailangan nila ni Matteo.



Hirap daw si Sarah na i-handle ang kanyang finances o pagba-budget.

Inamin din ng singer-actress  na bigla raw siyang tumanda nang siya na ang nangangasiwa sa budgeting sa kanilang bahay.

Kaya natutunan ni Sarah ang kahalagahan ng pera lalo na sa panahon ngayon.

Isa pang pag-amin nito ay nung kinasal daw sila ni Matteo ay ito na nga raw ang kanyang priority at ‘yun naman ang dapat.

***



Daniel Padilla gustong mag-inspire ng tao sa nangyayari sa mundo

KAHIT si Daniel Padilla ay umamin na kahit siya ay nakaranas ng anxiety at depression nang dunating ang Covid-19.

Dahil dun matagal-tagal ding hindi nakapag-work at dagdag pa sa kanyang alalahanin ay ang pagsasara ng kanyang home network, ang ABS-CBN.

Kaya nasambit nito na ano na nga ba raw ang nangyayari sa mundo at tila nananaig sa ngayon ang kasamaan.

Kaya nanawagan ito at hinikayat ang netizens na magbigay inspirasyon sa mga tao lalo na ang apektado sa pandemya.

Kahit mismong si Daniel ay nag-iisip din na makapagbigay ng inspirasyon sa tao at huwag isipin ang pagkita ng pera at fame.

Iba na raw kasi ang kaganapan sa mundo kaya nanawagan ito na kung gagamit ng platform like FB, IG, Twitter, etc. ay isipin na magbigay inspirasyon sa lahat, ‘di lang kasi sa Pinas ang pandemic kungdi sa buong mundo.

Well, well, well… ‘Yun na!